Petecio, Paalam babandera sa Team Philippines
- Published on July 30, 2024
- by @peoplesbalita
BABANDERAHIN nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam bilang flag-bearers ang 16-member Philippine representation sa opening ceremony ng Paris Olympics bukas sa Seine River.
“We’ll be a proud and hopeful 16-strong Team Philippines in the opening ceremony,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.
Makakasama nina Petecio at Paalam sa bangka sina boxers Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, swimmers Kayla Sanchez at Jarrod Hatch, gymnast Aleah Finnegan at fencer Samantha Catantan.
Sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at sports officials Michael Angelo Vargas (swimming), Marcus Manalo (boxing), Cynthia Carrion Norton (gymnastics), Patrick Gregorio (rowing) at Agapito “Terry” Capistrano (athletics) ay sasakay din sa bangka.
Hindi sasama sina boxer Eumir Felix Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco sa seremonya dahil sa Sabado ang umpisa ng kanilang mga laban.
Mas pinili naman ni pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena na tutukan ang kanyang preparasyon sa Normandy.
Samantala, hindi pa tapos sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando sa kanilang training camp sa Metz at papasok sa Olympic Village sa Agosto 6.
“The schedule of our Olympian athletes have been meticulously crafted by their coaches so there won’t be hitches as they approach their competition days,” sabi ni Tolentino.
Nagtungo ang POC chief sa Athletes Village matapos dumating sa Paris noong Miyerkules at nakausap si multiple pro boxing champion Gennadiy Gennadyevich Golovkin o ‘Triple G’ na bahagi ng Kazakhstan boxing team.
Ang iba pang kukumpleto sa 22-athlete Team PH ay sina gymnasts Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, golfers Bianca Pagdangan at Dottie Ardina at judoka Kiyomi Watanabe.
-
Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA
PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak. Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya […]
-
Exclusive interview, ia-upload before election… VICE GANDA, tinawag na susunod na Pangulo si VP LENI
ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks. Ang bagong sitcom at magsisilbing comeback ni Marian Rivera at the same time, comeback din ng team-up nila ni Dingdong na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” ang unang f2f presscon […]
-
Pinas, maaaring makatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine
MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan. Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. […]