Petecio sisiguro ng bronze medal
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.
Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.
Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Boxing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).
Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.
“We will look at the videos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.
Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.
Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.
-
3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI
TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco. Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman […]
-
PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA
NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia. Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia. Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik […]
-
Sunog, sumiklab sa Condo sa Ermita
SUMIKLAB ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga . Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nang nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika -5 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St tabi ng Ayala bridge. Dahil sa maagap na pagresponde ng mga […]