PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.
Sinabi ng Comelec second division na walang misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.
Si Julieta Pearson, na naghain ng petisyon, ay nagsabing siya ang legal na asawa ng broadcaster.
Sinabi ni Inting na ibinasura ng second division ang kaso dahil kung sino man ang asawa ng isang kandidato ay hindi materyal sa kung maaari silang tumakbo sa pwesto.
Nanguna si Tulfo sa pre-election survey para sa senatorial aspirants na isinagawa ng Pulse Asia noong Enero, kung saan 66.1 porsyento ng mga respondent ang nagsasabing Siya ay iboboto nila. (GENE ADSUARA)
-
Kasama na bibida sina Bianca, Faith at Angel: KELVIN, labis ang pasasalamat na nakuhang pang-apat na ‘Sang’gre’
MAGUGULAT ang marami sa role ni Carla Abellana sa upcoming teleserye niya na ‘Stolen Life’. Tinaguriang Primetime Goddess si Carla pero totoo bang kontrabida siya sa bago niyang soap opera? “May pagka-fantasy po itong ‘Stolen Life’ nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection. […]
-
TIPID TUBIG
NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng […]
-
Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson
Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson. Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA. Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals […]