Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”.
Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay.
Ang nasabing delivery ay itinuturing na “biggest shipment” ng Pfizer vaccine” sa ngayon, sa bansa.
Sinabi ni NTF Against Covid-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ang bakuna ay ipamamahagi sa mga lugar na my naiulat na kaso ng “highly transmissible Delta variant.”
“Pfizer vaccines will be distributed to the surge areas especially to the highly urbanized centers including the NCR,” ayon kay Galvez.
Ang shipment ay third batch ng Pfizer vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang first delivery ay dumating sa bansa noong Hulyo 21 na may kabuuang 562,770 doses habang ang second batch naman na dumating sa bansa noong Hulyo 26 ay mayroong 375,570 doses.
PInasalamatan naman ni Galvez an US government para sa suplay ng mga bakuna.
“We are very thankful to the US government for giving us the large volume, one of the largest volume shipment that we had together with the 3.2 million of Johnson & Johnson (J&J) that many areas geographically, isolated and challenging areas were given most of the dosage of the J&J and Moderna. So this Pfizer vaccines will be given, as I’ve said to the NCR and other urbanized centers,” ayon kay Galvez.
Ang pinakahuling vaccine delivery ay nagbigay ng kabuuang bilang ng bakuna na 40 million doses sa Pilipinas.
“We have now 39.5 million and we are reflecting to have more and we are very thankful that Pfizer is one of our manufacturers that really provided us early deliveries,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, sinabi naman ni US Embassy Charges d’Affaires John Law, na kasama rin sa vaccine arrival, na nangako silang susuportahan ang bansa sa laban nito kontra covid 19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming bakuna.
“The United States is very happy to see the vaccines continuing to arrive in large numbers in the Philippines. As you know we’ve been working very closely with Secretary Galvez and his outstanding team they are doing extraordinary work to bring as many vaccines as quickly as possible into the Philippines to help ensure the widest possible access,” anito.
“We really believe that the path out of this pandemic is to provide as many vaccines as possible and the United States, as I mentioned at the arrival last week is determined to do all that it can to support the Philippines in these efforts and we’re just so pleased to see the extraordinary results of Secretary Galvez’s excellent work,” dagdag na pahayag ni Law.
Ang Pilipinas ay gumagamit na ng ilang bakuna kabilang na ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Pfizer, Moderna at J&J.
Ang first delivery ng Sinopharm ay dumating din sa bansa, araw ng Miyerkules. (Daris Jose)
-
NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año
SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR). Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals […]
-
KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan
NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh. Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan. Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]
-
DND Chief Faustino, nagbitiw sa puwesto; Galvez humalili
TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Usec. Jose Faustino Jr. Ito ang inihayag ni Press Secretary OIC Cheloy Garafil. Walang ibinigay na dahilan si Garafil sa pagbibitiw ni Faustino. Inalok naman kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and […]