PFL team sisipa na sa ensayo
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito.
Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner Mikhail Torre, ay ang United City Football Club, Kaya Football Club at Stallion Football Club.
“They are all looking forward to the resumption of training,” ani Araneta, na siya ring chef-de-mission ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.
Ginarantiyahan naman naman ni Torres na nasa ligtas na lugar at kondisyon ang mga manlalaro kikilos.
“It’s a matter of reminding them about the safety of the players and the safety of the venue,” sambit niya.
Pinayuhan ang dalawang organisasyon at opisyale ni Games and Amusement Board chairman Abraham Kahlil Mitra para sa safety protocols na paiiralin sa training camp.
“Each club has their own responsibility to make sure that the players are following safety protocols,” wakas ni Torre. (REC)
-
‘Deleter’, big winner sa Gabi ng Parangal ng ‘MMFF 2022’: NADINE at IAN, waging best actress at best actor na, stars of the night pa
BIG winner ng horror-suspense movie na “Deleter” ng Viva Films sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, noong December 27. Nagsilbing hosts sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari. Si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress […]
-
Hiniling na ipagpaliban muna ang 3-strike policy ng TRB
Hiniling ng isang House leader sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng 3-trike policy para sa mga motoristang gumagamit ng radio frequency identification lanes na walang sapat na load. Si House Deputy Speaker Wes Gatchalian ang humuling na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng three-strike policy hanggang wala pa ang […]
-
18,271 puwesto sa gobyerno, pupunan sa midterm polls
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na kabuuang 18,271 puwesto sa gobyerno ang nakatakdang punuan sa idaraos na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025. Ayon sa Comelec, pangunahin sa mga naturang posisyon ay 12 sa pagka-senador, 254 na miyembro ng House of Representatives at 63 party-list representatives. Pupunuan din […]