• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH, nakapagtala ng ‘biggest trade deficit’ mula ng nakalipas na 5 buwan

LUMAWAK  pa ang trade deficit sa $5.74 billion noong Enero ng kasalukuyang taon matapos na malampasan ng importasyon ang exports ng bansa base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Ito ang biggest trade deficit mula noong agosto ng nakalipas na taon na nakapagtala ng monthly deficit na $6 billion.

 

 

Tumaas ang trade gap ng bansa sa 27.2% noong Enero kumpara sa pagbaba na naitala noong nakalipas na buwan na 11.9% at pagtaas naman ng 57% noong Enero 2022.

 

 

Bunsod nito, pumalo ang external trade noong Enero sa $16 billion na bumaba ng 2.4%.

 

 

Ayon pa sa data ng PSA ang kabuuang exports sale ng bansa ay umakyat ng $5.23 billion habang ang imports naman ay lumago ng 3.9% na nasa $10.97 billion.

 

 

Ang pangunahing export partners ng bansa ay ang Japan, US, China, Hong Kong, Singapore, Thailand, Korea, Germany, Netherlands at Taiwan habang ang mga import ng bansa ay pangunahing nanggagaling sa China, Indonesia, Jaan, Korea, the US, Singapore, Thailand, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

Other News
  • 90% ng 4Ps beneficiaries ‘below poverty’ pa rin kahit 7-13 taon na sa programa — COA

    HINDI  umangat sa laylayan ang karamihan ng pinakamahihirap na Pilipinong nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program — ito kahit higit P537 bilyon na ang nagastos dito at lampas isang dekada nang benepisyaryo ang ilan sa kanila.     Ito ang ibinahagi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2022 follow-up sa performance audit ng 4Ps […]

  • MMDA walang balak mag-expand ng number coding scheme

    WALANG plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil kumonti na ang mga sasakyan sa lansangan.     Ayon sa MMDA ay bumaba na ito ng 390,000 mula sa dating 417,000 na naitala noong May 5 at 405,000 bago pa magsimula ang pandemya noong 2020.   […]

  • National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices

    WALA umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakula­ngan ng lagda.   “Without a specimen signature on it, the Philip­pine National ID has apparently been rendered useless as a […]