PH, UK tinintahan ang defense pact; inaasahang kabilang sa prayoridad ang maritime domain
- Published on January 18, 2024
- by @peoplesbalita
KAPWA tinintahan ng Pilipinas at United Kingdom (UK) ang memorandum of understanding (MOU) na bumabalangkas sa nilalayon na defense engagements ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.
Inaasahan na makakasama bilang isa sa mga prayoridad ang maritime domain.
Ang MOU ay nilagdaan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at UK Ministry of Defence (MOD) noong Enero 11.
Si Philippine Ambassador Teodoro Locsin Jr. ang lumagda para sa panig ng Pilipinas habang si The Earl of Minto Timothy Minto, Minister of State for Defence, ang sa panig naman ng UK.
“The UK/Philippines MOU on Defence Cooperation is the cornerstone of our defence relationship,” ayon naman sa UK Embassy in Manila.
“It outlines the intent of our defence engagement for the next five years across a range of areas including military exercises, training and modernisation efforts. We can expect this engagement to focus on the maritime domain, Exclusive Economic Zone, hydrography and UK participation in future military exercises,” dagdag na pahayag nito.
Sa hiwalay na kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na layon ng MOU na makapagbigay ng balangkas para palakasin ang bilateral cooperation sa defense at military education, peacekeeping operations, humanitarian assistance at disaster relief, at research and technology.
Sa kabilang dako, sa Joint Statement of Intent na nilagdaan nina Foreign Secretary Enrique Manalo at dating UK Foreign Secretary James Cleverly noong Agosto 2023, nagkasundo ang dalawang bansa na mas i-develop pa ang bilateral defense engagement para pagtibayin ang rules-based international order.
Kapwa naman sinabi ng dalawang top diplomats na ipo-promote ng UK at Pilipinas ang “a free and open maritime order” base sa United Nations Convention on the Law of the Sea bilang legal framework sa lahat ng aktibidad sa karagatan.
Nakasaad pa rin sa kalatas ang commitment ng dalawang bansa na “strengthen maritime law enforcement, marine environment protection, fisheries management and professional seafaring”.
Matapos lagdaan ang MOU, sinundan ito ng October 2023 visit ni dating UK Minister of State for Defense Baroness Goldie sa Pilipinas kung saan ipinahayag niya ang suporta ng UK sa Indo-Pacific at regional peace at security.
“The UK is proud of our relationship with the Philippines and defence forms a crucial part to this. We look forward to working closely to continue developing this engagement,” ayon sa UK Embassy. (Daris Jose)
-
Malakanyang, walang maibigay na assurance sa mga nagdududa sa pagreretiro ni Pangulong Duterte sa politika
HANDS OFF na ang Malakanyang sa mga taong nagdududa sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magreretiro na siya sa pulitika sa oras na matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022. Tugon na rin ito ni Sec. Roque sa tanong kung seryoso ang Pangulo sa pahayag niyang ito dahil na rin […]
-
Tatakbong pangulo? Pacquiao nagpaparamdam na
Nagpatikim na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagtakbo nito sa Presidential Election sa susunod na taon. Naglabas ng post si Pacquiao sa kanyang mga social media accounts kung saan ikinuwento nito ang kanyang naging karanasan. Naging halimbawa nito ang kanyang sarili na dumaan sa matitinding pagsubok bago makamit […]
-
NBA draft inilipat sa Nov. 18
Itinakda sa November 18 ang 2020 NBA draft. Ito ay para may panahon pa sila para kumpirmahin ang pagsisimula ng susunod na NBA season. Ayon sa NBA, ang revised date ay mabibigyan nang karagdagang panahon para sa pagsasagawa ng 2020 pre-draft process, pagkuha ng iba pang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng 2020-21 season. […]