• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo

Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.

 

Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.

 

Ibinunyag pa ni Samson na nagsumite ng kanilang letter of apology at courtesy resignation sina Southeast Asian Games (SEA) gold medalist Samuel Morrison at silver medalist Arven Alcantara matapos na akusahan ng pagsasagawa ng online training session subalit hindi ito tinanggap ng kanilang grand master at pinatawad din ang mga ito.

 

Ang nasabing online seminar kasi ay pinangunahan ni Sydney Olympics veteran Donnie Geisler na ang layon ay para ma-inspire ang karamihan habang nasa loob ng kanilang mga bahay.

 

Kabilang kasi sina Morrison at Alcantara sa limang taekwondo players ng bansa na malaki ang tsansa na makalaro sa Tokyo Olympics kasama sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa at 2016 Olympian Kirstie Alora.

Other News
  • House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez

    Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).     Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for […]

  • PhilHealth, dapat bayaran ang P18B utang

    Dapat munang bayaran ng Philippine Health Insurance Corp ang P18 bilyong reimbursement claims ng mga pribadong ospital, ayon sa mambabatas.   Batay kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa datos ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ay may utang ang Philhealth na P14 bilyon noong December 2018 at P4 […]

  • Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY

    IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos.      Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.”     Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak  at […]