• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.

 

 

Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.

 

 

Aniya, nais niyang makita na tumaas at madagdagan din ang benepisyo na inaalok sa mga miyembro.

 

 

“It’s all cost-benefit. If we increase, halimbawa ‘yung pinag-uusapan ngayon, ‘yung increase of contribution ng PhilHealth from 4 percent to 5 percent, tinitignan ko ,” ayon sa Pangulo sa isang panayam

 

 

 

“Sasabihin ko, sige, if you’re going to increase it, show the other side of that. What will be the increase in services, what will you be able to cover, what more will you be able to cover,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Nauna rito, hiniling ni Health Secretary Teodoro Herbosa kay Pangulong Marcos na ipagpaliban ang implementasyon ng 5-percent premium rate increase ng PhilHealth.

 

 

 

Nakasaad sa Republic Act 11223 o Universal Healthcare Law na “mandates the increase in the PhilHealth contribution rate to increments of 0.5 percent every year starting in 2021 until it reaches 5 percent from 2024 to 2025.”

 

 

 

Matatandaang, sinuspinde ni Pangulong Marcos ang pagtataas ng premium rate ng PhilHealth at income ceiling para sa calendar year 2023.

 

 

 

At nang tanungin kung may desisyon na ito sa rekumendasyon ni Herbosa ang tugon ng Pangulo ay “It’s very hard to quantify health, how much is its worth to you. It’s worth different things to different people.” (Daris Jose)

Other News
  • Babantayan ng netizens kung mananatiling marangal: VIC, proud papa dahil reelected bilang Mayor ng Pasig si VICO

    ASTIG na naman ang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nagkakagulo ang mga kalaban ng Task Force: Agila headed by Coco Martin.     Mainit ang ulo nina Lorna Tolentino (the first lady), John Arcilla (Renato Hipolito) at Tirso Cruz (Sec. Arturo Padua) dahil nakuha nina Cardo ang pekeng president.     Sa video message ni Mariano (the fake president), sinabi nito […]

  • Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis

    IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City.   Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.   Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang […]

  • Ads May 19, 2023