PHILIPPINE ID DAPAT TANGGAPIN SA LAHAT NG TRANSAKSYON AYON SA DILG
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
DAPAT tanggapin ng anumang ahensya bilang single requirement ang Philippine ID sa mga transaksyon sa bansa.
Kaugnay nito ay hinikayat mismo ni Department of the Interior and Local Governmemt (DILG) Secretary Eduardo Ano ang pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity’ ng hindi na nanghihingi pa ng karagdagang identification mula sa nakikipag-transaksyon sa kanila.
Ayon kay Año, ang PH ID ay mayroon nang mga importanteng impormasyon ng rehistradong indibidwal, kabilang na ang kanyang larawan, buong pangalan, address, kasarian, marital status at petsa ng kapanganakan, upang mapatunayan ang tunay na pagkakakilanlan nito.
Sa mga taga-gobyerno nman na hindi kikilalala sa PH ID ay nag- bigay babala ang DILG na mahaharap sa mabigat na kaparusahan o multang P500,000 ang sinumang tatanggi na tanggapin, kilalanin o i-acknowledge ang Philippine Identification Card o Philippine Identification System ID ng walang sapat na dahilan posible din na ma-ban na ito sa anumang pwesto sa gobyerno. (RONALDO QUINIO)
-
“HOTEL TRANSYLVANIA” SEQUEL “TRANSFORMANIA” REVEALS FIRST TRAILER
DRAC’S Pack is out of whack! Watch the first trailer now for Hotel Transylvania: Transformania, which has just been revealed by Columbia Pictures. YouTube: https://youtu.be/k8K8fUh8I4k About the Hotel Transylvania: Transformania: Drac and the pack are back, like you’ve never seen them before in Hotel Transylvania: Transformania. Reunite with your favorite monsters […]
-
PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo
PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]
-
Ads December 7, 2022