Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games.
Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon.
Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team.
Bukod kasi sa SEA Games ay sasabak din ang national womens football team ng bansa sa isang friendly games laban sa Fiji sa Abril 7 at sa Sydney sa Abril 11.
Magtatagal ang nasabing national womens’ football team bago ang buwan ng Mayo at sila naman ay magtutungo sa Hanoi, Vietnam para sa SEA Games na magsisimula mula Mayo 12 hanggang Mayo 23.
-
Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors
TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto. Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination. Ayon kay PCSO General Manager […]
-
1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021
TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project. Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021. Sinasabing taong 2025 naman […]
-
Newly installed Army chief LtGen. Sobejana tiniyak walang sundalong aabuso sa Anti-Terror Law
Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito. Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng […]