Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels
- Published on May 20, 2024
- by @peoplesbalita
PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.
Ito ay popondohan ng Japanese official development assistance loan sa ilalim ng third phase ng Maritime Safety Capability Improvement Project.
Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pirmahan ng exchange of diplomatic notes para sa naturang proyekto.
Kabilang din daw sa naturang kasunduan ang pag-develop ng required support facilities para sa PCG na magpapaunlad umano sa kakayahan ng PCG na tumugon sa mga transnational crime.
Ayon kay Manalo, ang kasunduan ay hindi lamang para palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa bagkus ay isang patunay ng unwavering commitment para patatagin ang maritime safety capabilities.
Nauna ng bumili ang PCG ng sampung 44-meter at dalawang 97-meter multi-role response vessels sa Japan.
Kung matatandaan, ang dalawang 97-meter patrol ships na BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua ay ginamit na para mag-patrol sa West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA
HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon. Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence. Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan […]
-
MMDA dudang 100k sasama sa Piston tigil-pasada, aagapay sa commuters
MINALIIT ng Metropolitan Manila Development Authority ang posibleng maging epekto ng inilulutong transport strike ng Piston kontra “jeepney phase” out at December 31 consolidation deadline — pero nakahanda na raw silang umalalay sa mga maiipit ng welga. Ito ang ibinahagi ni MMDA acting chairperson Don Artes sa isang video statement bago ang December […]
-
Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso
HINDI umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]