Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia
- Published on March 23, 2022
- by @peoplesbalita
ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.
Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN).
Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR.
Ang Pilipinas ay napabuti ang kanilang ranggo ng 1 notch mula sa 61 noong 2021 na ulat.
Ang pinakamasayang bansa sa Southeast Asia na kasama sa ulat ay ang Singapore, ika-27 sa buong mundo, habang ang Finland ang pinakamasayang bansa sa mundo.
Ang data na ginamit upang suriin ang pagganap ng isang bansa ay kinuha mula saa data ng Gallup World Poll.
Ang iba pang bansa sa Southeast Asia na kasama sa ulat ay ang Thailand na nasa ika-61 na pwesto; Malaysia, ika-70; Vietnam, ika-77; Indonesia, ika-87; Cambodia, ika-114; at Myanmar, ika-126.
Batay sa ulat, ang 10 pinakamasayang bansa bukod sa Finland ay kinabibilangan ng Denmark, Iceland, Switzerland, Netherlands, Luxembourg, Sweden, Norway, Israel, at New Zealand.
-
Kyle Kuzma: SEASON HIGH 40 POINTS
Pinalamig ng New York Knicks ang katunggaling Washington Wizards sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw. Pinangunahan ng Knicks 26 year old point guard player na si Jalen Brunson ang kanyang team matapos nitong magpaulan ng 34 points , 8 rebounds at 8 assist. Ito ang ika dalawampu’t apat na panalo ng […]
-
19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico
NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico. Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap. Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay. Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa […]
-
Ads June 8, 2022