‘Pilipinas maaaring ‘di magpadala ng athletes sa 2021 Vietnam SEA Games’
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring hindi na umano magkapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay kapag magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pinoproblema hindi lamang sa Southeast Asia kundi kundi maging sa buong mundo.
Ang Team Philippines ang defending champion matapos na mag-host ang bansa noong 2019.
Sa panayam kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na siya ringng Chef de Mission ng Philippine team sa SEA Games, inamin nito na isa sa mga pinag-aaralang maging hakbang nila ay ang hindi pagpapadala ng mga Pinoy athletes ay dahil kaligtasan pa rin ang kanilang prayoridad.
”We’ve been doing lately were all for the preparation of our athletes because they really deserve our 100% support at malaking tulong din na ipagdasal natin sila para maabot nila ang kani-kanilang goal sa larangan ng sports” ani Commissioner Fernandez sa Star FM Bacolod.
Ngunit umaasa naman si Fernandez na matutuloy ang Tokyo Olympics dahil ito ang edisyon na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas na makasikwat ng gintong medalya kung saan walo na ang Pinoy athletes na makakapaglaro na kinabibilangan nina pole vaulter ej obiena, artistic gymnast Carlos Yulo, at apat na boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at si 2019 AIBA Women’s Boxing World Champion Nesthy Petecio.
-
7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima
ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure. Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa […]
-
CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM
NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund. Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]
-
Tate, Vera ONE FC Ambassadors
NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam. Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng […]