Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito.
Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine.
Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili ng bakuna sa corona virus.
Sa katunayan, nakalatag na ani Sec. Roque ang mga kakailanganing hakbang kasama na ang resources o paghuhugutan ng pambili ng vaccine sa sandaling maging available na ito o may bansang magbenta na ng bakuna sa virus.
Nandiyan aniya ang Development Bank of the Philippines o DBP at ng Landbank of the Philippines na magpopondo sa pag- angkat ng bakuna sa pamamagitan ng loan.
Bukod pa sa may mga sources of information ang Pangulong Duterte na malapit nang magkaroon ng COVID vaccine at di magtatagal ay may bakuna nang magagamit para sa mga Pilipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
KRIS, sinagot ang speculation ng netizen na si HERBERT ang tinutukoy sa latest post; JOSH at BIMBY bumati ng ‘Happy Father’s Day’
SA latest Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, muli siyang nag-update regarding sa kanyang health. Ayon sa mommy nina Josh at Bimby, inulit ang ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Immunoassay) antibody test niya after na magpaturok ng COVID-19 vaccine. “Jessica, not Patricia came back to repeat my ECLIA test… I […]
-
Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF
Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies […]
-
Kasama ang furnitures at parking space: Posh condo unit ni CARLA, binebenta na ng below market value
MAY Instagram post si Kapuso actress Carla Abellana, na for sale ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City. Kasama na raw sa selling price ang lahat ng furnitures, ganoon din ang parking space na umaabot ng one million pesos. Reportedly, okey din kay Carla kung […]