• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas may sariling 3-on-3 basketball league na

Mayroon ng sariling professional 3-on-3 basketball league ang Pilipinas.

 

Ito ay matapos na bigyan ng Games and Amusement Board ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 League sa bansa.

 

Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, na tinanggap nila ang interest ng Chooks-to-Go 3×3 na maging professional.

 

Pinasalamatan naman ni Chooks-to-Go league commissioner Eric Altamirano ang GAB dahil sa pinayagan nila ang kanilang sports organization.

 

Inilunsad ang nasabing liga noong nakaraang taon para makasali ang bansa sa Tokyo Olympics kung saan doon gagawin ang unang 3×3 event.

 

Pasok na rin ang Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament matapos na makakuha ng sapat na puntos para sa Vienna, Austria, sa susunod na taon.

 

Umaasa si Altamirano na magtagumpay ang Pilipinas sa 3×3 basketball pagdating sa Olympics.

 

Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Jaypee Belencion, Chris De Chavez, Ryan Monteclaro, Gab Banal, at Leo De Vera ang ilang manlalaro ng 3×3 basketball.

Other News
  • ARJO, first choice sa ‘Yorme’ at tinanggihan din ni MATTEO kaya napunta kay XIAN

    SA June ang target release date ng Yorme, ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno.     Ayon sa nasagap namin chika, June 24 ang premiere ni Yorme at gagawin ito sa Manila Metropolitan Theater, na muling bubuksan sa publiko matapos ang rehabilitation nito.     Naantala raw ang shooting ng Yorme matapos maging […]

  • Pingris binigyang pugay!

    Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA.     Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots.     Isa si Pingris sa itinutu­ring […]

  • Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.     Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.     “Ang timeline ko rito mga six months […]