• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, may steady supply na ng bakuna- Galvez

TINIYAK ni vaccine czar at Chief Implementer Carlitlo Galvez jr na mas “steady” na ang natatanggap na suplay ng bakuna ng gobyerno para sa vaccinatiin efforts nito.

 

Ani Galvez, bukod sa Sinovac ay steady na din ang suplay ng Pfizer, AstraZeneca, at Moderna.

 

 

”We have now a steadier supply of Sinovac, Pfizer, AstraZeneca, and then Moderna and COVAX,” pagtiyak ni Galvez.

 

 

Maliban dito ani Galvez ay may nagaganap pang negosasyon ang gobyerno sa Russian Direct Investment Fund para sa Sputnik Light.

 

 

Ito aniya ang single dose vaccine ng Russia na mas makapag- papabilis lalo sa usad ng vaccination program ng pamahalaan.

 

 

 

”We are now renegotiating with the Russian Direct Investment Fund for the Sputnik Light. We previously have the negotiation for Sputnik V but now we would like to have the Sputnik Light with one single dose, Mr. President,” aniya pa rin.

 

 

Ngayong linggo dumating ang pinakamaraming volume vaccine arrival sa bansa na nasa 9,586,270 doses. At sa nalalabing walong araw ng Setyembre ay inihayag ng vaccine czar na nasa 20 mil- lion doses pa ang inaasahang paparating ng bansa.

 

 

 

”The Philippines is expected to receive another more than 20 million more doses before the end of September and maybe on the first week, including the first week of October,” ani Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos

    WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito.     Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso.     Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim […]

  • Ads September 24, 2021

  • Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

    Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.     Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga […]