Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.
Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.
May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may 1,539,679 na healthcare workers.
“Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated.
Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” ayon kay Galvez.
Sa kabilang dako, umaangat na rin ang A2 at A3 group o ang grupo ng mga senior at mga may commorbidities.
May 3.6 million na ani Galvez ang fully vaccinated na mga A2 o Senior habang nasa 66 percent na ang bakunado sa A3 group at nasa 1.1 million ng fully vaccinated ang nasa hanay ng A5 o poor community.
“At ngayon umaangat na rin ‘yung ating priority group A2 and A3. Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2 ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” aniya.
“And then dito rin po sa A3 ganito rin po na mas mataas po ang fully vaccinated dahil dito rin po natin ikinount (count) ‘yung ano, ‘yung Johnson & Johnson. So mayroon na po tayong 4.7 or 66 percent. At tumataas na rin po ang ating bilang sa ating A5, ‘yung ating mga poor communities, mayroon na po tayong 1.1 million. At ito na po ang tina-target natin naman sa Moderna, ‘yung bigay po ng COVAX,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang
NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notoryus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa. Batay sa report ng National Bureau […]
-
PBBM, nagpalabas ng AO nagbibigay mandato sa episyenteng energy utilization sa mga tanggapan sa gobyerno
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng administrative order (AO) na direktang inaatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na pabilisin ang implementasyon ng Government Energy Management Program (GEMP) para masiguro ang “efficient and judicious utilization” ng enerhiya. Ang Administrative Order No. 15 ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay ipinalabas ng Malakanyang […]
-
Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games
PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members. Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid […]