• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaka-highlight ng Israel trip na narating ang Jerusalem: MARIAN, naiyak dahil halos lahat ng station of the cross ay napuntahan nila ni DINGDONG

HALOS iisa ang tanong at comment sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa naging online mediacon niya.

 

 

Ano raw ang reaction niya na magaganda naman ang lahat ng kasama niyang judges sa Miss Universe 2021, pero siya ang walang-dudang pinakamaganda?

 

 

Ang dami ngang mga baon na magagandang kuwento at alaala ni Marian mula sa Miss Universe at makokonsider raw niya sigurong isa ito sa pinaka-highlight ng career niya.

 

 

Nagkuwento rin si Marian sa totoong kuwento kung bakit napasayaw siya kasama si Urvashi Rautela ng India ng famous dance niyang “Sabay-sabay Tayo.”

 

 

Si Urvashi raw talaga ang nag-request na turuan niya.

 

 

“Kasi sabi niya sa akin, can you please teach me your dance steps? Sabi ko, what are you talking about? Sabay-sabay! Tawa ko nang tawa. So okay, let’s dance.   

 

 

“Kaya nagsayaw kami kasi siya mismo, sinabi niya sa akin na magsayaw kami. Kaya parang nagulat ako na alam niya!”

 

 

Pagod na pagod daw talaga siya dahil sa rami ng mga ginagawa nila bilang member of the selection committee ng Miss U at isang araw lang daw silang nagkaroon ng chance ni Dingdong Dantes na makapasyal.

 

 

At pinaka-highlight din daw talaga sa pagpunta nila ng Israel ay ang matupad ang wish niya na makapunta ng Jerusalem.

 

 

Iba raw talaga ang feeling at halos lahat daw yata ng station of the cross na pinuntahan nila, umiiyak siya.

 

 

     “Bucketlist ko talaga ‘yan at gustong-gusto ko talagang makapunta.”

 

 

At bukod nga sa pagiging judge ng Miss Universe, hindi rin makakalimutan ni Marian ang trip nilang ito ni Dingdong na first time nilang mag-travel na dalawa na walang mga bata at sa Israel pa nga naman.

 

 

Plus, ang nakita niyang suporta raw talaga sa kanya ng Mister.

 

 

     “Alam niyo naman si Dong, all-out support talaga ‘yan sa akin. Siya ang nagtsi-cheer sa akin. And I’m very grateful na nandoon si Dong para sa akin. Kung ano ang kailangan ko, kung giniginaw ako, to the rescue. Nauuhaw ako, to the rescue. Lahat ginawa niyang talaga.”

 

 

Kaya naman pag-uwi raw nila ng Manila, sabi raw niya kay Dingdong, may reward ito sa kanya.

 

 

***

 

 

MAY labindalawang updates sa kanyang Instagram account si Megastar Sharon Cuneta na more on mga bagay nga na nangyayari sa buhay niya ngayon at mga wini-wish.

 

 

Obviously, nakakapagpa-happy rito na ang anak na si Frankie Pangilinan ay nakabalik ngayon sa bansa para makasama nila sa Pasko.

 

 

Sey niya, “My Kakie’s home from New York and is coming out of quarantine tomorrow!” 

 

 

At dahil naka-Christmas break na sila mula sa lock-down taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa January na raw sila babalik muli ng Ilocos, so masusulit ang pag-uwi ng anak at magkaka-bonding sila. Habang ang panganay niya na si KC Concepcion ay nananatili pa rin sa Amerika.

 

 

Bida rin ang asong inampon na si Pawiboy na for good na raw na makakasama nila sa bahay from veterinarian clinic.

 

 

At sa post ni Sharon, inamin niyang na-shock talaga siya sa pag-run ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan for Vice President, pero ready naman at happy naman daw siyang i-campaign or suportahan ito.

 

 

Pero sa lahat ng ito, gusto pa rin niyang mag-escape at pumunta raw sa kanyang happy place.

 

 

Aniya, “Wanting to escape to my happy place asap and just collect myself and think. Wanting to go abroad for some alone time so bad.”

 

 

Sa isang banda, kumusta na kaya ang relasyon ni Mega sa kanyang Tita Helen Gamboa-Sotto at Sen. Tito Sotto at mga anak nito na tila mas naging masalimuot dahil sa pagtutunggali ngayon sa pagka-Vice President ng kanyang asawa at halos kinikilala rin na pangalawang ama.

 

 

***

 

 

NAUNA nang makabalik sa Siargao ang fiancée ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo para ma-check ang damage na nagawa ng Bagyong Odette sa kanilang tahanan at ma-check din ang pamilya nito tulad ng kanyang mga magulang.

 

 

At siyempre, makatulong din sa mga kababayan niya na grabe talagang nasalanta ng bagyo.

 

 

Habang sina Andi at ang tatlong anak na babae ay nag-stay muna sa hotel sa Manila habang wala pa siguro silang go signal mula kay Philmar.

 

 

Sabi ni Andi sa kanyang Instagram stories, “Papa @chepoxz is now on his way back home with other volunteers.  He’ll be helping out with the team but staying a bit to be with our family there, and assure their safety. I hope he gets to come back to us soon.”

 

 

Ang anak daw nila na si Lilo ay panay ang tanong sa bahay nila sa Siargao na ang tawag ay upstairs home.

 

 

At talagang ang puso ni Andi ay nasa Siargao na.  Naniniwala raw siya na makakabangon muli ang minamahal na isla.

 

 

Aniya, “Our home there isn’t just our house. Our home is the island itself. Slowly we will rebuild. Slowly we will get back up again. It’s their people that taught me the importance of working together as acommunity, how kindness and generosity goes a long way. How we don’t really need to have much to be so happy.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor

    HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca.      Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.     Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na […]

  • Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.     Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]

  • Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare

    KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.   Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit.   Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, […]