Pinakita ang kanyang six-pack abs… MATTEO, pinaglaway ang mga accla sa social media post
- Published on November 16, 2023
- by @peoplesbalita
PINAGLAWAY ni Matteo Guidicelli ang mga accla sa social media nang mag-post ito sa kanyang Instagram na kita ang kanyang six-pack abs.
Kuha iyon sa pelikulang pinagbibidahan ni Matteo na ‘Penduko’ na official entry ng Viva Films sa 2023 Metro Manila Film Festival.
May nag-comment na ang suwerte raw ng misis nitong si Sarah Geronimo dahil pagmamay-ari raw nito ng kabuuan ni Matteo.
May isang comment naman na sana mag-share si Sarah ng pandesal ni Matteo. May isa namang nag-comment na huwag sanang mawala ang abs ni Matteo kapag may anak na sila ni Sarah.
Pinost din ni Matteo ang costume niya bilang si Penduko na black leather sleeveless top para makita ang mga maskuladong braso nito.
Kasama rin sa cast ng ‘Penduko’ ay sina Albert Martinez, John Arcilla, Kylie Verzosa, Arron Villaflor, Andrea del Rosario, Candy Pangilinan at Phoebe Walker.
Ang pelikula ay hango sa iconic Pinoy comic book character na si ‘Pedro Penduko’, isang lalaking lumalaban sa kampon ng kadiliman sa tulong ng isang anting-anting. Ang komiks at ang karakter ay likha ni National Artist for Literature Francisco V. Conching.
Si James Reid ang unang na-announce ng Viva na magbibida sa ‘Penduko’, pero nag-back out ito sa project dahil sa iniinda nitong spinal injury.
***
ANG ,bongga ng P-pop boyband na BGYO dahil napili sila para awitin sa soundrack ng animated film na Trolls Band Together ang “Better Place” na unang inawit ng ‘90s boyband na *NSYNC.
Binubuo ang BGYO nila Nate Porcalla, Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza and Mikki Claver. Tinawag silang “Aces of P-pop”. Ang ibig sabihin ng BGYO ay “Becoming the change, Going further, You and I, Originally Filipino.”
Produkto sila ng ABS-CBN Star Hunt Academy at na-train sila ng South Korean coaches sa MU Doctor Academy.
In 2021, naging hit ang una nilang single na “The Light” at naging fastest P-pop music video to reach 1 million views. And second single nila na “The Baddest” ay nag-rank #1 sa two global charts, Billboard’s Next Big Sound and Pandora Predictions Chart.
Tampok din sa Trolls Band Together ang mga singing voices nila Justin Timberlake, Anna Kendrick, Troye Sivan, Eric Andre, Daveed Diggs, Kid Cudi, Zosia Mamet, RuPaul Charles, and Camila Cabello.
***
GINAWA nang official ni Brad Pitt ang relasyon niya kay Ines de Ramon.
Ayon sa People magazine, the 59-year old Oscar winner “is introducing Ines as his girlfriend.”
Ito nga raw ang first proper relationship ni Brad after ng divorce drama nila ni Angelina Jolie in 2016.
“It’s great to see him in a good place. Ines makes him very happy. Brad is doing great with Ines.”
Nakita si Brad kasama ang 32-year old girlfriend on a date night sa LACMA’s 12th annual Art+Film Gala in Los Angeles, California kamakailan.
“They were super loving. Laughing and joking with everyone around them. They seemed to be having a good time,” ayon sa report ng People.
Noong November 2022 unang na-link ang name ni Brad kay Ines na isang business administration graduate ng University of Geneva at isang nutrition health coach.
Kasalukuyan na head of wholesale for L.A.-based jewelry brand Anita Ko Jewelry si Ines na favorite brand nila Hailey Bieber, Kourtney Kardashian at Mandy Moore.
Ex-husband ni Ines ang The Vampire Diaries star na si Paul Wesley. Nag-divorce sila noong 2022.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Wala nang walk-in sa educational ayuda – DSWD
WALA nang mangyayaring walk-ins sa gagawing pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila. Nagpayo si DSWD Secretary Erwin Tulfo na sa mga nais makakuha ng cash assistance ay kailangang mag-register sa https://bit.ly/3dB9mSg o mag-email sa ciu.co@dswd.gov.ph. […]
-
Sentimyento ni Santiago
NAKAHANDANG harapin ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at playing career. Ikinuwento ng balibolistang Pinay sa Fivb.com ang naging karera niya sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League. “Ending the season with a podium finish in the […]
-
Malakanyang, todo-depensa
Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007. “Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin […]