Pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre ilalabas – Comelec
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
Sa Disyembre pa malalaman kung sino ang mga opisyal na tatakbo para sa 2022 National at Local Elections dahil sa isinasailalim pa sa pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsumite ng kanilang ‘certificate of candidacy (COC)’.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang 28 sa pagka-bise presidente.
Sa naturang bilang, inaasahan na aabot sa 95% ang matatanggal sa talaan bilang ‘nuisance candidates’.
“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na mag-file. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” ayon kay Jimenez.
Tambak umano ng trabaho ngayon ang mga tauhan ng Comelec dahil sa dami ng naghain ng kandidatura sa kabila na naging mahigpit sila bilang pagsunod sa ‘minimum health protocols’ upang makaiwas sa hawaan sa COVID-19. (Daris Jose)
-
De Guzman naaatat nang umarangkada
MALAKING perwisyo para sa mga atleta ang mag-iisang taon na sa Marso na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mundo at sa bansa dahil sa kanseladong mga sporting event. Ilan na rito ang triathlon, swimming, cycling, running at iba. Kaya naman katulad ng kapwa niya mga manlalaro, miss na ring tumakbo […]
-
Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19
Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama. Hindi naman daw inilagay sa ventilator […]
-
Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang
MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson. Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan. Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa […]