Pinaratangan ng netizens dahil maganda ang hugis ng ilong: RYZA, naaaliw at natatawa na lang sa tsikang nagparetoke
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
BEST birthday raw para kay Heart Evangelista ang kanyang kaarawan ngayong taong ito.
Ika-38th birthday ni Heart today, Valentine’s Day at ang ang hindi inaasahang pa-birthday surprise raw sa kanya ng kanyang Mister na si Senator Chiz Escudero ang mukhang nagpa-kilig kay Heart.
Obviously, isa sa espesyal at memorable teleserye ni Heart ang “Hiram Na Mukha” na ginawa niya sa ABS-CBN kaya gano’n na lang ang saya niya na may sculture siya ng mismong mukha niya base sa serye.
Sa caption ni Heart, “17 years ago I filmed my telenovela “Hiram na Mukha” they took a molding of my face at that time. I was 21 years old… through the years I always wondered where the molding was. I briefly mentioned it to my husband 3 years ago and lo and behold… he was able to locate the original cast and had it commissioned by one of my favorite artists, @ferdiecacnio. Amazing.
“The happiest birthday indeed. Thank you @escuderochiz.”
Walang duda all fell into places with Heart, lalo na ngayong kaarawan niya. Ilang araw pa lang bago ang mismong birthday niya ay sunod-sunod na ang mga bonggang pa-dinner party para sa kanya ng iba’t-ibang grupo na halos lahat ay pang-shala o sosyalan talaga.
***
MAY mga kinukuwestiyon pala ang ganda ni Ryza Cenon. May ilang netizens na pinaparatangan o iniisip na dahil maganda ang hugis ng ilong niya ay nagpa-retoke siya.
Siyempre, naaaliw at natatawa na lang si Ryza.
Lalo na at alam niya sa sarili niya na natural ang mukha niya at pwede rin siyang gawan ng before and after photos at makikita kung may tremendous change ba.
Ilan sa comment na ipinost pa ni Ryza sa kanyang Facebook account, “I love your look no’ng cute pa ang ilong mo honestly. Just saying.”
“Puro retoke mga artista ngayon.”
Ang caption ni Ryza sa shinare na screenshot na may laugh emoji, “Yung di nila matangga[ na natural na maganda ilong mo. Thank you Mommy sa pamana po na magandang ilong.”
Minessage namin si Ryza at binirong retokada pala siya. Natatawa lang ito at saka sumagot na, “Hindi po, hindi po kailangan.”
Sey pa rin niya, “Masyado po akong busy sa anak ko. Kung magpaparetoke ko baka masira po mukha ko lalo. Kasi, bugbog na bugbog na po ‘ko kay Night sa mga siko, head-butt niya sa ilong ko. Ha ha ha!”
Sa isang banda, mukhang matutupad ang wish ni Ryza na this year, gusto niyang magpaka-aktibo muli sa pag-arte.
Siya ang balita naming magiging kontrabida kay Yassi Pressman sa bagong serye na “Kurdapya.”
-
Suplay ng bigas, sapat kahit ‘di mag-import – DA
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit hindi mag-angkat at may banta ng posibleng shortage dulot ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon. Ayon sa DA, ang ending stock ng palay para sa unang quarter ng taong 2023 ay 5.66 million metric tons na […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students. Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance. Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at […]
-
Sharon, nanggulat sa IG post na naka-bathing suit
MARAMING natuwa na mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa panggugulat niya last Monday, November 2, sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Bago siya nag-post nito, nagpakita muna si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya […]