Pinas, dadalhin ang alyansa sa Estados Unidos sa ‘greater heights’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump- DFA
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
MASIGASIG ang gobyerno ng Pilipinas na dalhin ang alyansa nito sa Estados Unidos sa “even greater heights” sa ilalim ni President-elect Donald Trump.
Sa katunayan, looking forward si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na makatrabaho ang kanyang American counterparts sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
“The Philippines reaffirms its commitment to continue working with the United States to advance Philippines-US relations. I look forward to working with our counterparts in bringing our alliance to even greater heights under the administration of President-elect Donald Trump,” ang sinabi ni Manalo.
Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pagbati si Manalo sa Estados Unidos para sa matagumpay na pagdaraos ng presidential elections noong Nobyembre 5, muli nitong pinagtibay ang “robustness of American democratic values and institutions.”
Sa ulat, muling makababalik ng White House si US President Elect Donald Trump, matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris nitong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024 (araw sa Pilipinas).
Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.
Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.
Sa muling pagkapanalo ni Trump, ayon sa ulat ng isang international media outlet, isa sa mga nakatakda niyang paigtingin ay ang foreign policy ng Estados Unidos, lalo na raw ang tindig nito sa pagitan ng giyera ng Israel at Hamas, gayundin sa umano’y “strategic independence” nito kontra China. (Daris Jose)
-
Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA
NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mall operators sa National Capital Region (NCR) na ipatupad ang adjusted mall hours simula sa Nobyembre 18 hanggang Disyembre 25, 2024. Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang […]
-
DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na
Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at […]
-
DTI, pinag-aaralan na ngayon ang ilang kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa bilihin
PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa. Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado. Pag-amin […]