Pinas ‘di pa handang magtanggal ng face masks – experts
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa kumbinsido ang health experts sa bansa na magtanggal na ng face masks ang publiko dahil wala pang sapat na “armamentarium” sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit, sa pagtingin ng mga lokal na eksperto, hindi pa panahon para alisin na ang mandato sa pagsusuot ng face masks, kahit sa open area o outdoors.
Kahit aniya mababa pa ang mga kaso ng COVID-19, may mga parameter na kailangang suriin, gaya ng vaccination rates at paglutang ng mga bagong variants.
Idinagdag ni Solante ang pagkatuklas ng highly transmissible Omicron subvariants B.A. 4 at B.A.5 sa bansa ay nakakabahala dahil may posibilidad na maabutan nito ang B.A.2.12.1.
“We have these (three) varaints already and we dont know how the extent of local transmission …. We always want to emphasize we cannot compare ourselves with other countries,” ani pa ni Solante.
“Do you know what the Biden administration is doing now, they are holding a lot of these Paxlovid because they are getting ready that this drug should be available (when COVID-19 case surges),” dagdag pa niya.
Ang Paxlovid ay isang anti-viral drugs laban sa malalaking COVID-19 infection ay ginagawa sa US-based drug company Pfizer.
Ang Singapore na nagluwag man sa face mask ay nag-iimbak naman ng Paxlovid at Molnupiravir na libreng ibinibigay ng gobyerno.
“If we have that armamentarium in our hands and the government is giving it for free, no problem. We can remove the masks now,” ani Solante.
Sa Pilipinas aniya, generic version lamang ng Paxlovid ang available na nagkakahalaga ng P8,000 hanggang P10,000 per course. Hindi naman ito available sa lahat ng ospital. (Daris Jose)
-
Campaign period, sinimulan sa proclamation rally
OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan. Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables. Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang […]
-
Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan
HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito. Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national […]
-
Lakers luhod sa Mavericks sa exhibition games
Maganda ang ipinakita ng Los Angeles Lakers sa kanilang unang scrimmage kahit natalo sa Dallas Mavericks, 104-108, sa larong ginanap sa “Bubble” sa Walt Disneyland sa Orlando, Florida. Natalo ang Lakers dahil hindi na pinalaro ang kanilang stars sa 2nd half matapos tambakan ang Mavericks sa 1st half. Sa unang scrimmage ipinakita nina LeBron at Anthony Davis, […]