Pinas, handa na para sa AI – PBBM
- Published on November 17, 2023
- by @peoplesbalita
HANDA na ang Pilipinas para sa Artificial Intelligence (AI) kasabay nang pag-imbita sa technology companies at venture capitalists na maging kasosyo ng navigation ng bansa tungo sa bagong technological revolution.
“The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future. As we look to the horizon, let’s ‘Make It Happen in the Philippines,’ where, the promise of a future defined by technological inclusivity and shared growth is not just envisioned but actively realized,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang pagpupulong kasama ang mga technology investors sa sidelines ng kanyang pagdalo sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting and related activities sa San Francisco, California.
Sa isang roundtable meeting kasama ang mga pribadong kompanya, investors, at venture capitalists sa sektor ng teknolohiya, sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ay nakasuporta sa AI revolution para dagdagan ang umiiral na kasanayan ng mga Filipino, itaas ang “productivity of enterprises” at paigtingin ang ‘competitiveness’ ng ekonomiya.
“Currently, the Philippines is embracing this future of AI with the crafting of the National AI Strategy that seeks to augment the existing skillset of Filipino talents with AI. This strategy also aims to position the Philippines as a Center of Excellence in Artificial Intelligence,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We believe AI can uplift the lives of Filipinos, increase the productivity of our enterprises, and enhances the competitiveness of our economy. And I’m certain our discussions here today will help the Philippines steer our roadmaps in a direction that maximizes the skills of Filipinos and helps them achieve their aspirations,”dagdag na wika nito.
Ang roundtable meeting ay co-organized nina NightDragon Chief Executive Officer (CEO) David Dewalt, Bain at Company CEO Emmanuel Maceda at Department of Trade and Industry (DTI).
Kapwa naman dumalo sa meeting sina Dewalt at Maceda kasama sina Crescent Point Group Vice Chairman Thomas Pompidou, Microsoft Managing Director Michelle Gonzalez, Mandiant (A Google Company) CEO Kevin Mandia at Group of the Government of Singapore Investment Corporation (GIC) Head Chris Emanuel.
Present din sa roundtable meeting sina Plug and Play Ventures CEO Saeed Amidi, Altimeter CEO Brad Gerstner, HP (formerly Hewlett-Packard) CEO Enrique Lores, Visa CEO Ryan McInerney, Mastercard Co-President Ling Hai, at Anthropic CEO Dario Amodei.
Sinabi ng Pangulo na “gathering with the businessmen is a momentous occasion as the Philippine economy celebrates a milestone, marking its highest growth rate since 1976 with a 7.6 percent increase in the country’s gross domestic product in 2022.”
Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo na ang katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas, samahan pa ng US$9.2 billion na Foreign Direct Investments noong nakaraang taon ay “narrates a story of economic resilience and dynamism.”
“This remarkable growth, it mirrors the persistent dedication of this Administration, harmonized with our private sector partners and with their initiatives, to cultivate a business ecosystem that is not only conducive but also competitive and innovative,” ayon sa Pangulo.
Binigyang diin din ng Pangulo na ginawa na itong madali ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga foreign investors sa pamamagitan ng pagbibigay ng fiscal incentives at i-promote na madaling magtayo ng negosyo sa bansa.
Binigyang-diin ang “brand of quality service” ng mga Filipino at masiglang ekonomiya ng bansa.
“To our current and future partners, I hope that this meeting will serve as an opportunity to create a shared vision for a future where the Philippine workforce is empowered, skilled, and ready to shape the digital age,” ani Pangulong Marcos.
“We stand on the cusp of the Artificial Intelligence revolution and that promises untold advancements but it also presents some rather unexpected challenges. It hinges on a workforce equipped with the necessary skills and an ecosystem that embraces technological inclusivity,” aniya pa rin.
Samantala, sa nasabi pa ring pagpupulong, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng “upskilling at training” para ma-meet ang kasalukuyan at ang hinaharap na talento na kailangan at hinahanap sa bawat industriya sa Pilipinas, sabay sabing “task of cultivating a future-ready workforce” ay ibinahaging responsibilidad. (Daris Jose)
-
Mga lider ng Kamara, nanawagan ng nagkakaisang tugon sa krisis sa klima
Matapos ang pananalanta ng mga malalakas na bagyo sa bansa ay nanawagan ang mga lider ng kamara sa pulong ng Pandaigdigang Parlyametaryan ng Climate Vulnerable Forum (CVF) upang magkaisa sa pagtugon sa pamamagitan ng pagsisikap ng lehislatura para mapagaan ang lumalalang epekto ng pabago-bagong klima ng panahon. Ang CVF Global Parliamentarians Meeting na ginanap […]
-
Olympic gold medalist Carlos Yulo, miyembro na ng PH Navy Reserve Force
Miyembro na ng Philippine Navy Reserve Force ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Opisyal na nanumpa si Yulo bilang Petty Officer 1st Class noong Lunes sa headquarters ng PH Navy. Ayon sa Pinoy Gymnast, proud siyang mabigyan ng naturang pribilehiyo na ma-enlist sa PH Navy Reserve Force, isang […]
-
Fans nina KATHRYN at DANIEL, wala nang dapat ipag-alala sa relasyon ng dalawa dahil sa latest post ni KARLA
NAPUNO ng heart emoji ang comment section ng latest Instagram post ni Karla Estrada. Kasi naman, ang pinost nito ay ang picture ng anak na si Daniel Padilla at ng girlfriend nito na si Kathryn Bernardo. Walang nakalagay kung kailan kinunan ang picture, pero dahil kaka-birthday lang ni Daniel, baka raw […]