Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.
Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga turista ay nakatanggap na ng kanilang bakuna laban sa coronavirus.
“While this will be the first time the Philippines is opening its doors for foreign leisure travelers since the start of the pandemic, the tourism industry has prepared for this development for close to two years,” ayon sa Kalihim sa isang text message sabay sabing “We look forward to welcoming our foreign visitors once again especially with Metro Manila, the country’s main international gateway, placed under Alert Level 2.”
Aniya pa, ang health at safety protocols ay nananatiling nakataas para mapigilan ang paghawa ng virus.
“Tourism workers have been vaccinated and the observance of health and safety protocols at every destination remains to be a priority. The DOT will be focusing its efforts on the visa-free countries under EO 408 that are identified as our key, strategic, and opportunity markets,” aniya pa rin.
Papayagan na ng Pilipinas ang mga fully vaccinated international tourists mula visa-free countries, simula Pebrero 10, “provided that they present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to departure from the country of origin.”
Sa ngayon, may kabuuang 157 bansa ang ine- enjoy ang kanilang visa-free entry privileges sa Pilipinas kabilang na rito ang ilan sa top tourist markets gaya ng South Korea, Australia, Canada, Japan, Malaysia, Singapore, United Kingdom, United States at Germany.
Hinggil naman sa paghahanda sa destinasyon, sinabi ni Tourism Promotions Board (TPB) chief-operating-officer Ma. Anthonette Velasco-Allones na ang bansa ay nakapagtatag ng 79 tourism circuits, na kinabibilangan ng travel-ready places sa iba’t ibang rehiyon.
“It is safe to say that they are ready. They are more than ready,” anito.
Aniya pa, ang TPB ay nakikipagtulungan sa DOT-National Capital Region upang “i-refresh” ang visitor arrival areas sa Kalakhang Maynila.
Target din ng pamahalaan na ikasa ang streamline travel rules sa mga destinasyon upang mas lalong maging convenient ang mga biyahe lalo na para sa mga foreign tourists.
Samantala, sinabi naman ni Tourism Assistant Secretary Howard Lance Uyking na nakatakdang magpulong ang DOT, Department of the Interior and Local Government, at local government units para pag-usapan ang bagay na ito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF
NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit. Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling […]
-
Lakers dismayado sa no call ng ref laban sa Celtics
Kinuha ni Lakers guard Patrick Beverley ang isang courtside camera sa pagsisikap na ipakita kay referee Eric Lewis ang alam na ng lahat ng nakapanood ng replay: Na-foul si LeBron James sa kanyang hindi nakuhang layup sa pagtatapos ng regulasyon. Sa halip na makuha ang tawag, nabigyan si Beverley ng technical foul na nagbigay […]
-
Navotas nagbigay ng trabaho sa mga estudyante at ex-ofws
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]