• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, handang baguhin ang ilang patakaran na may kinalaman sa pagnenegosyo

NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos  Jr. na baguhin ang ilang regulasyong ipinatutupad hinggil sa  pagnenegosyo para sa kapakanan ng mga  mamumuhunan.

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na  handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo- proseso sa mga rekisitos na itinatakda sa pagnenegosyo sa bansa katulad ng documentation at Ilang procedures.

 

 

Kabilang na rin aniya ang istraktura at maging sa aspeto ng lehislatura ay nakahanda ang gobyerno na magsagawa ng pagbabago para sa kapakanan ng mga  negosyanteng gustong mag- invest sa bansa.

 

 

Batid naman aniya niya ang  pangangailangan ng mga potential investors  at gagawin aniya ng pamahalaanang lahat para sa posibleng partnership ng pamahalaan at ng mga nasa pribadong sektor sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).

 

 

“The simple message that underlay all that we did was that the Philippines is here, we are a good place to invest, we are probably the most vibrant economy in Southeast Asia,” ayon sa Pangulo.

 

 

“And we understand the requirements and the needs of our potential investors, and we will do everything so that that partnership becomes to the advantage of both the private sector, the public sector, to the people,” wika pa nito. (Daris Jose)

Other News
  • DEDMA SA SRP, KULONG

    KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod.   Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa […]

  • 3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA

    UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan  ang naturukan laban sa COVID-19.       Sa datos ng Department of Health, nasa  3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation  na nagsimula noong Biyernes       Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group […]

  • Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA

    INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng […]