Pinas, Japan nagsimula nang mag-usap ukol sa reciprocal access agreement
- Published on November 6, 2023
- by @peoplesbalita
KAPUWA nagdesisyon na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio na simulan ang negosasyon para sa panukalang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng puwersa ng Pilipinas at Japan.
Sinabi ni Pangulong Marcos na binanggit ni Kishida ang mga benepisyo na makukuha ng Pilipinas mula sa kasunduan pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Nauna rito, mainit na tinanggap ng Pangulo si Kishida sa Palasyo ng Malakanyang.
“I also would like to recall our commitment to work on a framework for our status of visiting forces or the proposed Reciprocal Access Agreement, RAA, with Japan,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We are cognizant of the benefits of having this arrangement, both to our defense and military personnel and to maintaining peace and stability in our region,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Kishida na makikipagtulungan ang Japan sa Pilipinas “to strengthen cooperation in maintaining and strengthening a free and open international order based on the rule of law amid complex crises facing the international community.”
“Japan and the Philippines are both maritime nations and strategic partners sharing a fundamental principles and values,” dagdag na wika ni Kishida.
Sa kabilang dako, sa idinaos na bilateral meeting ng Pilipinas at Japan, nilagdaan ang isang
Official Security Assistance grant aid na nagkakahalaga ng 600 million yen o P235.5 milyong piso.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Japan sa Pilipinas ng coastal radar system na naglalayong paghusayin pa ang defense awareness capability ng Philippine Navy.
Ang iba pang kasunduan na nilagdaan nina Pangulong Marcos at Kishida ay “Exchange of Notes concerning the provision of construction equipment for Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response Operation under the Economic and Social Development Programme; Memorandum of Cooperation in the field of Tourism; at ang “Memorandum of Cooperation on Mining Sector between the Department of Environment and Natural Resources of the Republic of the Philippines and the Ministry of Economy, Trade and Industry of Japan.”
Sinasabing ang Pilipinas at Japan, kapuwa “closest Asian allies” ng Estados Unidos ay “have taken a strong line against what they see as aggressive behavior by Chinese vessels” sa gitna ng decades-old disputes sa maritime sovereignty.
Ang Japan ay walang anumang claim sa South China Sea, subalit mayroong hiwalay na maritime dispute sa China sa East China Sea.
Ang panukalang reciprocal access pact sinasabing magpapakahawig sa Visiting Forces Agreement, mayroon ang Pilipinas sa Estados Unidos.
Ang VFA ay isang bilateral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US na nagbabalangkas ng mga termino at kundisyon sa pagpasok at pagbisita ng armadong pwersa ng US sa bansa, na nagbibigay daan para sa mga aktibidad tulad ng Balikatan, o malakihang joint military trainings.
Inilalatag nito ang mga patakaran sa mga pribilehiyo sa paglalakbay na ibinibigay sa mga tauhan ng US; ang pag-import at pag-export ng mga kagamitan, materyales, at supply ng US, pati na rin ang movement ng mga aircraft, sasakyang-dagat, at sasakyan sa loob ng bansa. Tinutukoy din ng kasunduan ang mga karapatan ng parehong mga pamahalaan sa hurisdiksyon sa mga puwersa ng US na gagawa ng mga krimen habang nasa Pilipinas.
Ang VFA ay nilagdaan noong Pebrero 1998, sa ilalim ng termino ni Pangulong Fidel V. Ramos, at sinundan ng isang counterpart agreement noong Oktubre, tungkol sa mga tauhan ng Pilipinas na bibisita sa US. Ito ay agad napagtibay sa administrasyon ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ang kahalili ni Ramos, at opisyal na ipinatupad noong Hunyo 1999 kasunod ng pagsang-ayon ng Philippine Senate.
Sa kabilang dako, binanggit din ni Kishida ang pagpapalawak sa joint training ng Japan sa mga kaalyado nito sa Indo-Pacific.
Ipinahayag naman ni Kishida ang kanyang mga alalahanin ukol sa security situation sa South China Sea, sabay sabing ang agresyon dooon ay “unacceptable.”
“We shared serious concerns about the situation in the East China Sea and the South China Sea and that attempt to unilaterally change the status quo by force is unacceptable,” ayon kay Kishida.
Samantala, sinabi naman ni Kishida pinag-usapan din nila ni Pangulong Marcos ang situwasyon sa North Korea at Myanmar.
“And we want to secure a route where the dignity of the people can be maintained and secure peace and safety in the world through international cooperations, such as cooperations that we have in the Philippines,” ayon kay Kishida. (Daris Jose)
-
DEREK, may regret dahil nakipaghiwalay kay ANDREA over the phone lang
PATULOY pa rin na nagsasalita si Derek Ramsay sa naging break-up nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres. Habang ang Kapuso actress naman ay nananatiling tahimik lamang. Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Cristy Fermin at doon nga, siniwalat nito kung paano sila nag-break. Na sabi ni Derek, […]
-
Lorna at Ria, apektado rin dahil sa ‘Monster’: SYLVIA, nadurog ng todo ang puso bilang isang ina
NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong ika-11 Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na ‘Monster.’ Nagsimula ang partnership ng mag-inang Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna last summer nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France […]
-
Karate champ Orbon guest ng TOPS
MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday). Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement […]