• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, kailangang maging handa para sa “worst” Covid-19 situation

KAILANGANG maging handa ng Pilipinas para sa “worst” COVID-19 situation, lalo pa’t mas maraming nakahahawang variants ng novel coronavirus ang nagkalat ngayon sa buong mundo.

 

“The pandemic is getting “hotter and more dangerous” as COVID-19 variants could pose “a problem discovering new vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“We do not have a guarantee that the vaccines should forthcoming on time, na walang maraming mamamatay . And if it is more serious mutant, variant, we’ll just have to prepare for the worst,” ayon sa Chief Executive.

 

“OK” lang naman aniya kung layon ng Pilipinas na bumili ng mas maraming bakuna laban sa COVID-19.

 

Magiging masaya siya kung ipagpapatuloy ng mga awtoridad na palakasin ang health infrastructure ng bansa.

 

Nanindigan naman ang Punong Ehekutibo na handa niyang ibenta ang mga government properties kapag naubos na ang pondo para sa pandemiya.

 

“Kung medyo papalapit na at marami na tinatamaan , then we will go full blast in making everything operational,” ani Pangulong Duterte.

 

“With the advent of the new variants it is good to prepare for a more serious attack,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, natukoy pa ang karagdagang 31 iba’t ibang COVID-19 variants mula sa 37 samples na isinailalim sa genome sequencing, ayon sa ulat ng Department of Health, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health kahapon.

 

Kabilang dito ang 10 B.1.617.2 (Indian variant), 13 B.1.1.7 (UK variant) pitong B.1.351 (South Africa) at isang P.3 (Philippines).

 

Sa pinakahuling sequencing ay kabilang ang samples mula sa crew members ng  MV Athens Bridge, returning overseas Filipinos (ROFs) na may travel history, deceased severe o  critical COVID-19 cases.

 

Ang 10 B.1.617.2 variant cases ay karagdagan sa 2 pang kasong naiulat nitong Mayo 11. Sa 10 kaso, isa rito ang seafarer na nanggaling sa Belgium at ang siyam ay crew ng MV Athens Bridge.

 

Samantala, karagdagan pang 13 UK variant cases ang natukoy sa bansa, kabilang dito ang tatlong  ROFs at 10 local cases. Isa sa mga ito ang namatay na habang ang 12 naman ay nakarekober na.

 

Sa pitong South Africa variant, dalawa ang ROFs, dalawa ang local cases, at tatlong kaso ang kasalukuyan pang biniberipika kung sila ay local o ROF cases.

 

Base naman sa case line list, dalawa sa mga ito ay nananatiling aktibong kaso pa, isa ang namatay na at apat naman ang nakarekober.

 

Ang karagdagan namang P.3 variant case ay natukoy na local case at taga-Region IX. Binawian ito ng buhay noong Pebrero 28, 2021.

 

Ayon sa DOH, hanggang sa kasalukuyan, ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 29, 2022

  • 3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.   “Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya […]

  • Sa isang episode ng ‘Running Man PH’: KOKOY, muntik na talagang mag-backout sa sobrang takot

    MUNTIK na palang atrasan ni Kokoy de Santos ang isa sa mga race ng ‘Running Man Philippines Season 2’ dahil sa pagiging matatakutin nito.      Sa trailer kasi ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael […]