• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas magdedeploy ng panibagong barko sa Escoda Shoal

TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na plano ng Pilipinas na magdeploy muli ng panibagong barko sa Escoda Shoal, kapalit ng BRP Teresa Magbanua.

 

 

Matatandaang nitong Linggo ay bumalik at dumaong na ang BRP Teresa Magbanua sa pantalan ng Puerto Princesa, Palawan bunsod na rin ng kawalan ng sapat na suplay, gaya ng pagkain at tubig, at pagkakasakit ng ilang tripulante nito.

 

 

Kinumpirma naman ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na may iba pang mga barko na plano ng Pilipinas na ipadalang muli sa Escoda Shoal.

 

 

Hindi pa nagbigay ng petsa at detalye si Tarriela kung kailan ito magaganap ngunit sinabing ito’y sa lalong madaling panahon.

 

 

Paniniguro pa niya, pananatilihin ng Pilipinas ang presensiya sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

 

 

Abril nang ipadala ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal upang magbantay kasunod ng ulat ng nagsasagawa umano ng reclamation sa lugar ang mga Chinese. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di na sila makatatanggi: RABIYA, mukhang nabihag agad ang puso ni JERIC

    PAGKATAPOS na ulanin ng mga reklamo at galit si Marvin Agustin ng mga naging customer niya noong Pasko dahil sa kanyang lechon at sinsero namang humingi ng paumanhin sa nangyari at naperwisyo at naabala, tila nakuha naman ni Marvin ang simpatiya ng karamihang netizens.     Marami rin ang nakaunawa sa naging situwasyon ni Marvin. Hindi […]

  • P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog

    MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, […]

  • LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

    Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.   “Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring […]