• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China

MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi nagpapataw ng kahit na anumang obligasyon para sa bansa para makakuha ng CoronaVac doses.

“Hindi daw done deal ang Sinovac. Well, mali po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

Gayunpaman, nilinaw ni Sec. Roque na ang Sinovac ay kailangang mag-secure ng mahalagang regulatory approval bago pa pangasiwan ang bakuna sa Pilipinas.

Ang Sinovac ay nag-apply ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration (FDA) noong nakaraang linggo.

“Ito ba po ay hindi kontrata? Hindi po, kontrata na po iyan. Kaya nga lang po, iyong pangalawang obligasyon, at ito po iyong talagang pagbibili, ay naka-subject po sa kundisyon na pinag-agree-han ng mga partido,” ang pahayag ni Sec. Roque.

“Ano po itong isa sa mga kundisyon na ito? Siyempre po, iyong approval ng FDA. But that is already a binding obligation,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Senate hearing noong Enero 15 na “technically” ang pamahalaan ay indi pa bumibili ng Sinovac vaccine, at ang Pilipinas ay hindi pa naglalabas kahit na isang sentimo para sa produktong Sinovac.

Tinatayang 50,000 doses ng CoronaVac ang darating sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang bilang ay maaaring madagdagan hanggang sa mai-deliver at makumpleto ang 25 million doses sa Disyembre.

Noong nakaraang Biyernes, inilarawan ni Sec. Roque ang mga kritiko ng Sinovac vaccine deal bilang mga “ignorante” sa gitna ng kinukuwestiyong pagiging epektibo at presyo nito ng Sinovac vaccine.

Sinabi ni Sec. Roque na ang halaga ng Sinovac vaccine ay hindi tataas o sosobra sa P700 per dose.

Aniya pa, nag-alok din ang China ng presyong pang-bff o best friends forever.

Ang bakuna ay kailangan na ibigay ng dalawang doses sa isang tao.  (Daris Jose)

Other News
  • One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang

    HINDI pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga cabinet members na one seat apart rule sa mga public transport.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuang pagitang distansiya ng mga One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, […]

  • DFA binulabog ng bomb threat

    NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga.     Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.   Natanggap ang ulat alas-7:00 ng […]

  • Ex-NBI chief Dante Gierran, itinalaga bilang bagong Philhealth head

    Itinalaga ni Pangulong Rodrig Duterte si dating NBI chief Dante Gierran bilang bagong Philhealth chief.   Kinumpirma ni Senator Bong Go ang appointment ni Gierran.   Papalitan ni Gierran ang nagbitiw na si Ricardo Morales.   Magugunitang nahaharap sa imbestigasyon si Morales dahil sa malawakang katiwalian.   Tiniyak ng bagong hepe ng Philippine Health Insurance […]