Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta variant
- Published on July 24, 2021
- by @peoplesbalita
Sinang-ayunan na ng Department of Health (DOH) ang opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante na posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.
Sa kabila ng mga pa-ngamba na hindi makakayanan ng ‘health system’ ng Pilipinas ang panibagong surge kagaya ng nangyayari sa Indonesia, tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maiwasan ito at inihahanda ang lahat ng pagamutan sa posibilidad na pagkalat ng variant.
Kailangan umanong magtulungan ang nasyunal at lokal na pamahalaan para mapalakas ang healthcare system. Ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak na sapat ang COVID-19 beds, ICU at TTMF bed capacity, gamot at oxygen tanks at mga healthcare workers.
Kailangan rin ng pagtulong ngpubliko sa simpleng paraan ng pag-praktis sa ‘minimum public health standard’ at boluntaryong pagpapabakuna. (Daris Jose)
-
Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla
MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program. Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit […]
-
P160K droga, baril nasamsam sa apat drug suspects sa Malabon
BAGSAK sa kalaboso ang apat drug suspects, kabilang ang babae matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa nagkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief […]
-
Mens football team mas gumanda na ang performance
IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan. Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand. Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto. […]