Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30
- Published on June 9, 2022
- by @peoplesbalita
NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
“If I were to judge myself, the one single thing that my government did was to contain Covid-19 in a very much earlier span of time. And to think na ‘yung iba sa ngayon nagkaroon ng surge simply because maybe the citizens of that country do not want to follow regulations. E tayo dito, sabi ko, takot ,” ayon kay Pangulong Duterte.
Pinuri naman ng Chief Executive ang pagtalima ng mga mamamayang Filipino sa Covid-19 health protocols.
Nakapagbigay aniya ito ng kumpiyansa na magbalik-trabaho.
“Because we (re)started our economy, yung mga trabahante bumalik na, nakalabas na,” ayon sa Chief Executive.
Samantala, nanawagan naman ang Pangulo sa mga healthcare workers at vaccinators na “stretch their efforts” at tulungan na alamin at kilalanin ang mga Filipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagbabakuna laban sa Covid-19.
“Yung hinahanap natin ‘yung itong mga vulnerable o kaya ng may mga edad na na hindi nakakalabas at di pa naiinjeksyunan, if we can manage to find them,” anito.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng Punong Ehekutibo na marami sa mga ito ay bone-weary, subalit umapela siya sa mga ito na “to do more” para sa kapwa Filipino.
“Alam kong pagod na kayo but you have to do more for your countrymen. ‘Yan lang ang pakiusap ko sa inyo …This time do it for the country and do it for your countrymen,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, inalala naman ni Pangulong Duterte ang ginawang paglaban ng Pilipinas sa panahon ng kasagsagan ng pandemya.
Muling pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang China sa pagbibigay sa bansa ng first batch ng Covid-19 vaccines.
“We started with zero. We were just floating, waiting for the next thing to happen. And maski anong sabihin ng iba and other nations, we would like to reiterate again our gratitude to China,” anito.
Habang ang ibang bansa ay nag-iimbak ng doses ng Covid-19 vaccines, napakabait aniya ng China nang ibahagi nito ang kanilang bakuna sa Pilipinas.
“One day, without us really expecting it, China announced that they’re shipping to the Philippines vaccines to start the yung panlaban natin (our fight), the war against the Covid-19,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Sokor Pres. Yoon Suk Yeol, nasa bansa para sa 2-day state visit
NASA Pilipinas ngayon si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang state visit sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea. Bahagi ng state visit ng South Korean leader ay ang kanilang magiging pagkikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa […]
-
PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022
TATAAS na sa darating na buwan ng Hunyo ang kontribusyon sa PhilHealth. Ayon sa Philhealth, mula sa kasalukuyang 3% ay tataas na sa 4% ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan. Alinsunod ito sa Universal Health Care Law. Sinasabing, sa susunod na […]
-
DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors
MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na monthly social pension ng indigent senior citizens. Mula kasi sa P500 ay P1,000 na ang matatanggap ng mga ito. Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno. “To be […]