Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.
Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan sana ang transmission ng Delta variant sa bansa.
Hindi na aniya dapat mangyari pa ulit ang sitwasyon noong nakaraang taon nang ipinagkibit-balikat noong simula ang COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, mayroon pang walong active cases ng Delta variant sa Pilipinas, kasunod ng isinagawang retests sa mga pasyente na dating kinunsidera nang recovered.
Inamin ng Department of Health (DOH) na posibleng mayroong undetected infections ng mas nakakahawang variant ng coronavirus sa ngayon.
Sa walong active Delta variant cases, apat ang sa Cagayan de Oro, isa ang sa Manila, isa rin sa Misamis Oriental, habang dalawa naman ang mga Pilipino na dumating sa bansa galing abroad.
Para mapigilan ang pagkakaroon ng isa pang surge, sinabi ng mga health officials na kailangan maghanda ng mga komunidad sa presensya ng Delta variant.
Magugunita na huling nakaranas ng surge ang Pilipinas noong Marso, kung saan umaabot ng hanggang 10,000 kaso kada araw ang naitala. (Daris Jose)
-
MANDATORY TESTING ng PMVIC PINILIT BUHAYIN. ITINAON PA MISMO sa SIMULA ng LOCKDOWN! MAY BALAK TULOY NA BOYKOT!
Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!! Magaling din tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR)for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs). Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa […]
-
Former Pres. Arroyo nagbigay pugay sa pumanaw na si Lydia de Vega
NAGPAABOT nang pakikiramay si dating Pangulong at ngayon ay Pampanga 2nd District representative at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pamilya ng yumaong Filipina track and field legend Lydia de Vega. Inilarawan ng dating pangulo na isang malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ng tinaguriang ” fastest woman in Asia” dahil sa […]
-
Panawagan sa mga kandidato, huwag gamitin ang bagyo sa pamumulitika
UMAPELA si Transportation Secretary Art Tugade sa mga political aspirants na huwag gamitin sa pamumulitika ang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”. Aniya, tinutulungan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga naapektuhan ng bagyong Odette ng walang “publicity.” Aniya, tumutulong ang DOTr sa typhoon-affected areas ng walang publisidad at […]