• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor

TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea.
Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.”
Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa lahat ng international obligations, kabilang na ang kaugnay sa United Nations Security Council resolutions.
Hinikayat din ng DFA ang Pyongyang na mag-commit sa mapayapa at nakapagbibigay-linaw na dayalogo.
“The Philippines expresses serious concern and strongly denounces the continuing ballistic missile launches conducted by the Democratic People’s Republic of Korea (DPRK),” ayon sa DFA.
“Such provocative actions undermine economic progress, peace, and stability in the Korean Peninsula and the Indo-Pacific region,” ang sinabi pa rin ng DFA.
Tinuran pa ng departamento na nais ng Maynila na makita ang pangmatagalang kapayapaan sa Peninsula at nanawagan para sa isang “complete, verifiable, and irreversible denuclearization” ng DPRK.
Sa ulat, nagpaputok ang North Korea ng multiple short-range ballistic missiles noong nakaraang linggo. Ito ang ulat ng South Korean government na hindi naman sinabi ang kung saan ito bumagsak.
“The launches come as North Korea ramps up its nuclear weapons program and days after it unveiled its uranium enrichment facility,” ayon sa ulat. (Daris Jose)
Other News
  • Bong Go, dumalo sa PDP-Laban national assembly kasama si PRRD

    NAGBIGAY ng payo si Senator Christopher “Bong” Go laban sa anumang pagkakawatak-watak sa ruling party, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.   Muling nanawagan si Go sa mga kapartido na magkaisa at manatil sa likod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Inaasahan ko na darating ang panahon na magkakasundo ang partido at patuloy (ang PDP-Laban) na […]

  • PSC facilities bubuksan na sa mga national athletes

    Simula sa Enero 10, 2022 ay muling makakapag-ensayo ang mga national athletes sa tatlong pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC).     Ito ay bilang preparas­yon ng mga national teams para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng susunod na taon.   […]

  • NCR Plus, posibleng bumaba sa GCQ with relaxed restrictions matapos ang Hunyo 15

    MALAKI ang posibilidad na bumaba sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.   Ang basehan ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.   “For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital […]