• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinatunayan lang na girl na girl at may ‘matres’ Pagbubuntis ni ANGELICA, maraming natuwa at isa na si JUDY ANN

NAPAKARAMI talagang naging masaya sa pagbubuntis ng actress na si Angelica Panganiban.  

 

 

Na para bang kahit biruan lang, na-prove na may “matres” nga siyang talaga at hindi siya “bakla.”

 

 

Mukhang isa ang kaibigan at “ate” talaga ang turing ni Angelica na si Judy Ann Santos sa nakaalam agad na buntis siya.

 

 

Malamang, isa rin si Angelica sa hinihingan ng tips ni Angelica.  Ini-repost nito ang naging Instagram stories ni Juday kunsaan, magkakasama sila sa pictures with Ryan Agoncillo and Angelica’s boyfriend na si Gree Homan. 

 

 

Naniniwala si Juday na magiging mabuting ina raw ang kaibigan.  

 

 

Aniya, “We are so happy for you my love!!! You’ll be a great mom @iamangelicap!

 

 

Sinagot ito ni Angelica at nagpasalamat sa kanyang ate na obviously, isa na sa magiging ninang ng anak niya.  Bilang “AuntieNang” na kung i-address niya si Juday.

 

 

Sa pa niya, “Thank you Auntie Nang sa suporta, tips, prayers at mga pinadala mong supply ng pagkain since day 1.  Hindi ko na susubukan nakawin ang mga anak mo ngayon.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level

    DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong.     “As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and […]

  • RURU at SHAIRA, ‘di pa iniisip na mag-settle down dahil marami pang gustong ma-achieve

    KAHIT parehong may serious relationships sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, hindi raw nila iniisip pa ang mag-settle down dahil marami pa raw silang gustong ma-achieve sa kanilang careers sa showbiz.     Nauso kasi ang ma-engage at magpakasal last year dahil sa pandemic. Ilang celebrities ang ginawa ito ng palihim at meron namang proud […]

  • Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

    NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.     Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.     Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito. […]