• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinatutupad na NCR Plus bubble, hindi nangangahulugan ng kawalan ng ayuda ng gobyerno

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan.

 

Ang NCR Plus bubble ay polisiya na naglilimita sa galaw ng essential travel subalit hinahayaan ang mga negosyo na mag-operate sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid -19.

 

“Hindi naman po sa kawalan ng ayuda ‘yan. Kung talagang kinakailangan, nothing is etched in stone, kung talagang kinakailangan at ito’y hindi maging sapat eh baka konsiderasyon pa rin iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero sa ngayon po, talagang kinikilala na natin ang problema ng pagkagutom na magreresulta kapag sinarado po natin ang ekonomiya. So pigilan natin ang mobility pero hayaan nating maghanapbuhay ang lahat,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang mga restaurants ay nananatiling bukas sa NCR Plus areas, subalit ang diners ay kailangan lamang ng 50% ng kanilang kapasidad.

 

Ipinagbabawal naman ang businesses at religious gatherings nang lagpas sa 10 katao.

 

Ani Sec. Roque na ang mga nasabing restriksyon ay hindi pangkaraniwan lalo pa’t 90% ng COVID-19 cases ay asymptomatic o mild COVID-19 cases.

 

“At ang anyo naman po ng COVID-19 ay maski ikaw ay tamaan, gaya ko asymptomatic, pupuwede pa ring magtrabaho huwag lang sana manghawa ng iba; so puwedeng magtrabaho in isolation ‘no,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Puregold CinePanalo Film Festival, nakipag-partner sa MOWELFUND sa pagsuporta sa mga pelikulang Kwentong Panalo

    MASAYANG inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang kanilang partnership sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).   Layunin ng kolaborasyong ito na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas, partikular na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.   Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang […]

  • COVID-19 suspect, probable cases gumaling dahil sa VCO: DOST-FNRI study

    Lumabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na epektibo bilang adjunct supplement o dagdag na sangkap sa pagkain ang virgin coconut oil (VCO) ng mga pasyenteng suspect at probable sa COVID-19.   Ayon sa DOST, kapansin-pansin ang pagbuti ng lagay ng clinical trial participants mula ikalawa hangang ika-18 […]

  • PASAWAY NA MOTORISTA BINALAAN…

    INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang “No-Contact apprehension program” (NCAP) ng lokal na pamahalaang lungsod na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.   Isinagawa ang nasabing seremonya sa kanto ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, Maynila kung saan nagbabala si Domagoso ang mga pasaway na motorista na may magbabantay na […]