Pinay fencer Maxine Esteban maglalaro para sa World Cup
- Published on January 9, 2023
- by @peoplesbalita
LUMIPAD na ang isa sa nangungunang Pilipinong babaeng fencer sa bansa na si Maxine Esteban para ipagpatuloy ang kanyang kampanya sa ninanais na pagtuntong sa 2024 Paris Olympics.
“Off to Italy to prepare for my first post injury World Cup! Praying for a safe trip and a great performance!,” post ni Estaban bago umalis ng bansa para lumaban sa Coupe de Monde o World Cup sa Paris sa Enero 12-14.
Nakatakdang ipagpatuloy ng pambato ng bansa sa foil na si Esteban ang kanyang kampanya para sa kanyang target hindi lamang sa Paris 2024 kundi pati na sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Phen, Cambodia at 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Ito ang unang international na torneo na sasalihan ni Esteban matapos magtamo ng seadson-ending ACL injury noong World Fencing Championships sa Cairo na nag-sideline sa kanya sa loob ng mahigit anim na buwan. (CARD)
-
50% population protection sapat para simulan ang pagbabakuna ssa ma kabataan- Galvez
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na sapat na ang 50-percent population protection para simulan ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17. Ani Galvez, winelcome ang pinakabagong shipment ng 3 milyong doses ng government-procured Sinovac vaccines sa Ninoy Aquino International […]
-
Sean Chambers, nag-apply na maging coach ng UST
Interesadong mag-apply bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas (UST) si dating PBA import Sean Chambers. Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Aldin Ayo dahil sa kinakaharap nitong anomalya sa “Sorsogon bubble”. Isa lamang ang 55-anyos na si Chambers sa mga nagsumite ng aplikasyon para maging coach ng UST Growling […]
-
27.6 milyong estudyante, balik-eskwela
MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa. Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral. Katumbas ito ng 100.47% o higit sa […]