Pinay tennis star Alex Eala nagkampeon sa Milan tennis
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Na-domina ni Philippine tennis number 1 Alex Eala sa JA Milan 61 Trofeo Bongfilio matapos makuha ang kampeonato sa singles division.
Ang nasabing pagkapanalo ay naganap isang araw matapos na magwagi ito sa tennis doubles.
Tinalo nito si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na ginanap sa Campo Tribuna Tennis Club Milano Alberto Bonacossa.
Magugunitang nakuha ni Eala at partner nitong si Madison Sieg ng US ang doubles match ng talunin sina Sofia Costoulas ng Belgium at Lucija Ciric Bagaric ng Croatia sa score na 6-4, 4-6, 13-11.
Hindi lamang ito ang unang beses na nagwagi dahil noong 2018 ay nagkampeon ito sa singles at doubles sa Trofeo David Ferrer.
-
4 tulak timbog sa buy bust sa Malabon at Valenzuela
MAHIGIT sa P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang isang High Value Individual Regional Level na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities. Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa […]
-
DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika
HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal. Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa […]
-
MAINE, wish na matapos na ang pandemya para muling makapag-travel
NAGTATANONG ang netizens, bakit daw ang sipag ngayong magtrabaho ni Phenomenal Star Maine Mendoza. Kung dati ay okey na sa kanya na araw-araw lamang siyang napapanood sa noontime show na Eat Bulaga at sa Daddy’s Gurl tuwing Saturday, ngayon ay tuloy pa rin siya sa dalawang shows at nadagdag nga lamang ang dalawang shows sa TV5 at Cignal TV. Bale […]