• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy athletes hahataw naman sa Tokyo Paralympics

Matapos ang Tokyo Olympics, tututok naman ang Pilipinas sa kampanya ng differently-abled athletes sa prestihiyosong Tokyo Paralympics na tatakbo mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

Ipadadala ng Pilipinas ang anim na atleta na sasabak sa apat na events.

 

 

Mangunguna sa ratsada ng Team Philippines si Asian Para Games multiple gold medalist Ernie Gawilan na masisilayan sa 400m freestyle S6 event ng swimming competition.

 

 

Nakasikwat si Gawilan ng tiket sa Tokyo Paralympics matapos itong mag­kwalipika sa 2021 World Para Swimming World Series na ginanap sa Berlin noong Hunyo 18.

 

 

Pasok din si 2017 Asean Para Games gold medalist Gary Bejino na nabigyan ng bipartite place sa swimming event.

 

 

Hahataw naman sa athletics sina Jerrold Mang­liwan at Jeanette Aceveda samantalang masisilayan sina Achelle Guion sa po­werlifting at Allain Ganapin sa taekwondo.

 

 

Hangad ng Pinoy squad na masundan ang magandang kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan nag-uwi ang delegasyon ng isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya.

Other News
  • Dapat may tamang dahilan at ‘di basta nireregalo: HEART, against sa pagpapa-ampon at pagbibigay ng pet

    KAHIT kagagaling lamang sa sakit ay lumagare na sa trabaho si Lotlot de Leon.     Nag-negatibo naman siya sa swab test para sa COVID-19 pero matinding ubo at sipon ang dumale sa mahusay na aktres ilang araw bago mag-Pasko.     Mabuti na lamang at isang araw bago ang taping niya para sa ‘Makiling’ […]

  • PH COVID-19 cases higit 611K -DOH

    Matapos ang anim na buwan, nakapagtala muli ang Pilipinas ng higit 4,000 kaso ng COVID-19.     Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 4,578 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado, Marso 13. Ito na ang pinakamataas mula noong September 14, 2020, kung saan nakapagtala ang bansa ng 4,699 new cases.     Dahil […]

  • INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

    HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.     “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo […]