• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez

Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG).

 

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., kung mayroong sobrang bakuna ay walang problema na maisasali ang mga kasama sa Southeast Asian Games.

 

 

Ayon kay Sec. Galvez, ang mga bakunang darating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero na mula sa COVAX Facility ay nakalaan para lamang sa mga medical healthworkers at vulnerable sectors.

 

 

Igiit pa ni Sec. Galvez na may sapat na panahon pa naman ang mga atleta bago sumabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre kaya baka nabakunahan na sila bago pa man ang palaro.

Other News
  • Ads July 17, 2024

  • Sa kabila ng kanyang laban sa sakit na cancer… Doc Willie, tatakbong­ Senador sa 2025 elections

    SA KABILA ng kanyang sakit na kanser, plano pa rin ni Dr. Willie Ong na tumakbo sa senatorial race sa 2025 midterm elections.     Mismong si Doc Willie ang nag-anunsiyo nito sa isang Facebook Live.   Ayon kay Doc Willie, nagawa na niya ang mga papeles para sa kanyang kandidatura at naipa-notaryo na rin […]

  • Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH

    NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH).     Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima: lalaki: 20 babae: 3 naputukan sa […]