Pinoy bets may 3 golds sa Para Games
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
KUMANA ang Team Philippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.
Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition.
Hataw si Gawilan sa men’s 400m freestyle S7 TF event habang nanguna si Sabido sa men’s 400m freestyle S9 class.
“Salamat po may ambag na ako sa Team Philippines. Salamat po Philippine Sports Commission at NSA namin NPC Philspada at sa lahat po nang mga naniniwala sa amin,” ani Gawilan.
Nagparamdam din si trackster Cendy Asusano na bumanat ng ginto sa athletics competition.
Nagreyna si Asusano sa women’s javelin throw F54 event para masiguro ang ikatlong ginto ng Pilipinas.
Bukod sa tatlong ginto, nakahirit din ang Pilipinas ng isang pilak at limang tanso sa iba’t ibang events.
Kumana ng pilak si Arnel Aba sa men’s 400m Freestyle S9 event sa swimming.
Nagdagdag naman ng dalawang tanso ang table tennis bets kung saan pumangatlo sina Jobert Lumanta at Jayson Ocampo sa Men’s Table Tennis Class 8 category.
Naka-tanso rin sina Smith Billy Cartera, Racleo Martinez at Darwin Salvacion sa Men’s Table Tennis TT4 event
May tansong medalya rin sina Jesebel Tordecilla ng athletics sa Women’s Discus Throw F55, Edwin Villanueva ng swimming sa Men’s 400m Freestyle at Daniel Enderes Jr. ng athletics sa Men’s 5000m T20 event.
Puntirya ng Pilipinas na malampasan ang 20 ginto, 20 pilak at 29 tansong medalyang nakamit nito noong 2017 Asean Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Hindi nagdaos ang Asean Para Games noong 2019 edisyon dahil pumutok ang coronavirus disease (COVID-19).
-
Para sa pagba-ban ng POGOs, offshore games, hindi na kailangan na magpasa ng batas- PBBM
HINDI na kailangan na magpasa pa ng batas para ipagbawal ang Philippine offshore gaming, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa. Sa isang chance interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ssidelines ng isang event sa Parañaque City, sinabi ng Chief Executive na “sapat na” ang pagpapalabas ng executive order […]
-
ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife
DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye. Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon. “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview. “Ilang taon ko rin […]
-
5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE
Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan. Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na […]