Pinoy jins hahataw sa Vietnam
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Federation) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.
Magsisilbing delegation head si Raul Samson kasama ang tatlo pang coaches na hahawak sa koponan.
Ipaparada ng Pilipinas sa naturang torneo sina Loralee Natividad, Abigail Faye Valdez, Realis Tabiando, Clarence Sarza, Rhezie Aragon, Ceanne Kyle Rosquillo, Marvin Mori, Kier Macalino, King Nash Alcairo, Rommel Pablo Jr., Justin Mark Agno, Paul Romero, June Ninobla, Devy John Singson, Joseph Chua at Alfritz Arevalo.
Sina Paul Romero at Devy Singson ang tatayong coaches sa kyorugi habang si June Ninobla naman ang hahawak sa poomsae team.
Malakas ang tsansa ng Pinoy squad na makasungkit ng medalya sa torneo lalo pa’t gigil ang tropa na muling sumabak matapos mabigong makapagpartisipa sa torneo dahil sa pandemya.
Sa Pilipinas ginanap ang huling edisyon ng ATF Taekwondo Championships noong 2019.
-
PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON
NAKITAAN ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department. Sa media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang […]
-
DOJ, hindi ititigil ang imbestigasyon laban kay VP Sara Duterte
TINIYAK ng Department of Justice na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ay may kaugnayan sa naging assassination remarks ng bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kamakailan. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Jesse […]
-
Chemistry tututukan ni Sotto
Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar. Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng magandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang […]