• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy, sugatan sa drone attack sa paliparan sa Saudi Arabia – Embassy

KABILANG ang isang Pinoy sa mga nasugatan sa drone attack sa Abha airport sa Saudi Arabia na nangyari noong araw ng Huwebes, Pebrero 10

 

 

Ito ang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ngayong araw subalit hindi na tinukoy pa ang pagkakakilanlan ng naturang Pinoy na ngayon ay nasa stable na ang kalagayan at ginagamot sa isang ospital na sinusuportahan naman ng kaniyang employer.

 

 

Ayon sa embahada, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Jeddah sa apektadong Filipino national para magbigay ng tulong.

 

 

Base sa ulat, nasa 12 katao ang nasaktan matapos na maharang ang shrapnel mula sa explosive-laden drone sa pamamagitan ng air defense dahil pa rin sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Saudi led coalition at ng Houti rebels group na nakabase sa Yemen.

 

 

Para sa mga Pinoy na nasa Saudi Arabia, inaabisuhan ang mga ito na manatiling mapagmatyag at i-monitor ang inilalabas na mga security advisories.

Other News
  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]

  • Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying

    Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlif­ting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.     “Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver  medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas […]

  • Top 9 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa manhunt ops

    HIMAS-REHAS ang 35-anyos na binata na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Jaypee”, 35 ng Brgy. Ugong at nakatala bilang top 9 […]