Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).
Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre 2 ay tumaas mula sa P1.33 bilyong piso “as of Monday afternoon.”
Sakop ng latest bulletin ang 82,830 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.
“This translated into a production loss volume of 111,831 metric tons of commodities such as rice, corn, and high value crops, impacting some 74,944 farmers and fishers.
Most of the damage was seen in rice, with a volume loss of 95,694 metric tons equivalent to P1.71 billion,” ayon sa report ng DA.
“This was followed by high value crops worth P555.4 million, fisheries worth P201.64 million, corn worth P135.4 million, livestock and poultry worth P9.49 million, cassava with P4,220,” ayon pa rin sa report.
Ang pinsala naman sa agricultural infrastructures ay umabot na sa P133 milyong piso, sakop ang iba’t ibang laboratoryo at crop protection centers, irrigation systems, water impounding projects, at diversion dams.
Ang pinsala naman sa machineries at equipment ay sinasabing umabot na sa P235,000, kabilang na ang hand tractors at vermi beds.
Sinabi pa ng DA na ang tulong ay available para sa distribusyon sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang bigas, mais at assorted na vegetable seeds, at gamot para sa livestock at poultry.
Sinabi pa ng departamento na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay mayroong fingerlings at tulong na ibibigay sa mga apektadong mangingisda.
Ang mga apektado aniya ay maaaring mag- avail ng P25,000 loan mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), kasama ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (Daris Jose)
Other News
-
Ads June 2, 2021
-
Kung dati ay si Carmi Martin ang maiisip: ARA, pinabilib nang husto si Direk JOHN sa kanyang pagganap
GUMAGANAP sina Sue Ramirez at Jake Cuenca sa Jack and Jill Sa Diamond Hills bilang sina Jill at Jack respectively na mga pulis. Sa tunay na buhay ba ay naging ambisyon ni Sue na maging policewoman? “Cashier,” ang tumatawang mabilis na sagot ni Sue. “Lahat ng batang babae nangangarap […]
-
CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE
DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya. Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para […]