• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala sa agrikultura dahil kay Goring, umakyat sa P504.4M

UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector  kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring.

 

 

Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 million.

 

 

Mas mataas ito kumpara sa  P375 million na naiulat noong Agosto  31.

 

 

Naapektuhan ng masungit at masamang panahon ang  11,965  magsasaka sa  19,658 ektarya ng agricultural areas sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.

 

 

Pagdating naman sa volume, “production losses stood at 21,134 metric tons”, ayon sa DA.

 

 

Affected commodities include rice, corn, high-value crops, and livestock,”  dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Ang bigas ang pinaka- mas apektado sa mga produkto, may  total value loss na P362.2 million, katumbas sa 16,488 MT ng mga pananim na nasira sa 13,967 ektarya ng lupang sakahan.

 

 

Sumunod naman ang mais na may  P139.1 milyong halaga ng pinsala at volume loss na 4,590 MT sa 5,682 ektarya ng lugar ang nasira.

 

 

Para naman sa mga  high-value crops, ang halaga ng value loss ay umabot sa  P2.7 million, habang ang  volume loss ay  pumalo naman sa 56 MT  sa siyam na ektarya ng lupain.

 

 

“The livestock and poultry sub-sector incurred P487,600 worth of losses, accounting for 23 heads of cattle, carabao, and goats,” ayon sa DA sabay sabing “The DA, through its RFOs (regional field offices), is conducting assessments of damage and losses brought by ‘Goring’ in the agriculture and fishery sectors.”

 

 

Samantala, sinabi pa rin ng departamento na “The DA-DRRM Operations Center will continuously provide updates regarding Goring.” (Daris Jose)

Other News
  • Mga biyahero mula sa India, bawal pumasok sa Pilipinas…

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-ban ang lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino na galing sa bansang India.   Ang travel ban, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay magiging epektibo ng ala-1:00 ng umaga ng Abril 29, 2021 hanggang Mayo 14, 2021.   Ang […]

  • CALOOCAN CITY DECLARES SUPPORT FOR BBM-SARA

    CALOOCAN City Mayor Oscar “Oca” Malapitan has endorsed the presidential and vice presidential tandem of former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte and assured the city’s support to the UniTeam.     Malapitan’s endorsement of the BBM-Sara tandem has the backing and support of Caloocan City residents, who went out […]

  • Federer, umatras na sa pagsali sa Australian Open 2021

    Umatras na sa 2021 Australian Open si Swiss tennis star Roger Federer.   Sinabi ni 2020 Australian Open tournament director Craig Tiley na hindi sapat ang paghahanda sa nasabing torneo. Pagkatapos kasi ng 2020 Australian Open ay nagpa-arthroscopic surgery ito sa kaniyang kanang tuhod.   Umaasa naman ang 39-anyos na si Federer na ito ay […]