• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Player na ayaw magpabakuna palayasin sa team’ – NBA great Kareem Abdul-Jabbar

Dumarami umano ang mga players at NBA personnel ang naaalarma habang nalalapit ang pormal na pagbubukas ng bagong season dahil marami pa ring mga players ang ayaw pa ring magpabakuna.

 

 

Bukas ay magsisimula na rin ang training camp at nasa 90% umano ng mga NBA players ang bakunado na laban sa COVID-19.

 

 

Gayun man umugong ang tensiyon sa loob ng liga matapos na lumutang ang impormasyon na nasa 40 pa ang mga players na hindi pa nagpa-vaccine.

 

 

Sa ngayon kasi walang mandato na pinalalabas ang NBA na requirement ang pagsasailalim sa bakuna.

 

 

Umiiwas din ang NBA players association na pag-usapan ito sa negosasyon.

 

 

Ilang mga coach, players at staff na hindi nagpakilala ang nagpaabot umano ng kanilang pagkabahala dahil ang hindi mga bakunado na players ay baka magdulot ng peligro hindi lamang sa kanila kundi maging sa kanilang mga pamilya.

 

 

Ilan sa mga NBA superstar na lantarang inamin na ayaw nilang magpabakuna ay sina Brooklyn Nets guard Kyrie Irving, Washington Wizards star Bradley Beal at si Warriors player Andrew Wiggins.

 

 

Una nang binulabog ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar ang NBA matapos siyang manawagan na dapat palayasin sa team ang player na ayaw magpabakuna.

Other News
  • CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October

    MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez.     Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino.      Updated nga ni […]

  • P1.7 bilyong shabu sa tea bag nakumpiska, 2 Chinese tiklo

    NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon.     Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, […]

  • Tsina, muling sinisisi ang Pinas sa tensyon sa South China Sea

    SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan.     Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.”     Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos […]