• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Plunder at graft, isinampa vs Bantag

LALO pang nadagdagan ang mga kasong kinakaharap ni dating Bureau of Corrections (BuCor) head Gerald Bantag makaraang sampahan siya ng mga kasong plunder at graft sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

 

 

Si BuCor acting director Gregorio Catapang Jr. ang naghain ng mga kaso laban kay Bantag. Kabilang dito ang 11 kaso ng “malversation through falsification of official documents”, 11 “graft”, at 11 paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees.

 

 

Sinampahan din si Bantag ng kasong admi­nistratibo dahil sa “grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service”.

 

 

Ilan sa akusasyon laban kay Bantag ay ang maanomalyang bidding para sa konstruksyon ng tatlong bilangguan sa Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at sa Leyte Regional Prison, na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

 

 

Sinabi ni Catapang na gumawa si Bantag ng hiwalay na Bidding and Awards Committee para sa naturang mga proyekto. Minaniobra umano ang naturang bidding nang magwagi ang Joint Venture ng CB Garay Philwide Builders at Rakki Corp. kahit na kulang-kulang ang mga ito sa requirements.

 

 

Ilan pa sa mga tauhan ng BuCor na kasama sa kaso ay sina: Correction Technical Supt. Arnold Jacinto Guzman; Correction Inspector Ric Rocaturba; Correction Inspector Solomon Areniego; Correction Technical Officer (CTO) 1 Jor-el De Jesus; CTO2 Angelo Castillo; at CTO2 Alexis Catindig.

 

 

Una nang nahaharap si Bantag sa dalawang bilang ng kaso ng pagiging utak umano sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Mabasa at inmate na si Jun Villamor. (Daris Jose)

Other News
  • NAOMI ACKIE STUNS IN “WHITNEY HOUSTON: I WANNA DANCE WITH SOMEBODY”

    BAFTA-winning British actress Naomi Ackie (Netflix’s End of the F*cking World, Star Wars: Episode IX – The Rise of Skywalker plays the title character in Columbia Pictures’ Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody (in Philippine cinemas starting Sunday, January 8).     [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/HzpCdwm8KkU]     “I don’t even know how to describe it – […]

  • Malalang korapsiyon sa Pilipinas

    UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple  pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan […]

  • PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC

    INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya.   Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya.   Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner […]