• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP ‘all-set’ na sa pagsisimula ng local campaign period sa March 25

TODONG PAGHAHANDA ang ginagawa ngayon ng Philippine National Police (PNP) para sa pag-uumpisa ng campaign period para sa local election.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naglalatag na sila ng seguridad para mapanatili ang kaayusan sa kabuoang election period.

 

 

” Patuloy ang ginagawang paghahanda lalong lalo na itong darating na March 25 na magsisismula na yung campaign period sa local level, binabantayan po natin yung naka lista na areas of concern, titingnan po natin kung magkakaroon ng changes at doon po magbabase ang mga gagawin nating adjustments,” pahayag ni Col. Fajardo.

 

 

Paliwanag niya, kasama sa kanilang gagawin ay pagdaragdag ng tauhan sa ground lalo na sa mga lugar na may presensya ng terror group.

 

 

Kaugnay nito, nagbabala ang PNP sa mga kandidato na kukuha ng serbisyo ng private armed group para mang-harass ng mga kalabang kandidato.

 

 

Sinabi pa ni Fajardo, na magsasagawa sila ng monitoring sa mga pulitiko na makikipagsabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga lara sa tulong pinansyal sa kanilang pangangampanya.

 

 

Kakasuhan din ng PNP ang kandidatong mahuhuling nagbabayad ng permit to campaign at permit to win sa New People’s Army.

 

 

” Kasama sa ating mino-monitor yung mga narco-politician sa ngayon ay wala pa naman tayong nare-receive na mga kandidato na ginagamit yung pondo from illegal drugs, nonetheless we are continuously monitoring particularly those na may previous reports na po,” dagdag pa ni Col. Fajardo. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN

    GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer.  Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]

  • Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa

    MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”           Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon […]

  • Ika-11 Programang Pangkalusugan ng Manilenyo ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Maraming Nakinabang at Natulungan

    TULAD ng mga nakaraang medical mission ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Ang libreng pagamutan ng Bise Alkalde ng Maynila noong Pebrero 25, 2023 sa Sona 2 at 25, Distrito 1 at 3 sa may Recto Avenue sa Maynila ay dinaluhan ng libu-libong Manileño para masuri ng libre ang kanilang mga kalusugan.     Ang […]