PNP Chief Carlos, ‘di kailangang mag-leave – DILG
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kailangan ni PNP Chief, PBGen. Dionardo Carlos na mag-leave o magbakasyon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng isang police helicopter sa Real, Quezon kamakailan.
Kasunod ito ng ulat na susunduin sana ng naturang helicopter si Carlos at ang kanyang pamilya sa isang exclusive island resort sa Balesin noong Lunes ng umaga.
“He is still the chief PNP and it’s rightful for him to use the PNP chopper to be able to attend a forthcoming official duty when there are no other available means,” pahayag ni Año.
Wala umanong anumang pananagutan si Carlos sa pangyayari at tiniyak na ang imbestigasyon ay magpopokus sa naging sanhi ng aksidente.
Matatandaang noong Lunes ay bumagsak ang isang police helicopter sa Real, Quezon na nagresulta sa pagkamatay ng enlisted crew member na si Pat. Allen Noel Ona, at pagkasugat ng mga pilotong sina PLtCol. Dexter Vitug at PLtCol. Michael Melloria, na nilalapatan pa ng lunas sa ngayon.
Bumuo na ang PNP ng Special Investigative Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa insidente.
Tiniyak din ni Fajardo na sasagutin ni Carlos ang lahat ng medical expenses ng mga nasugatang pulis at pagkakalooban din sila ng tulong pinansiyal, partikular na ang pulis na namatay sa aksidente.
-
‘Napakasarap sa pakiramdam’ ang panalo ni Hidilyn, gusto ko na ring magretiro’ – Puentevella
Hindi napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weighlifting ng Pilipinas (SWP) Monico matapos ang malaking panalo kagabi ni Hidilyn Diaz sa 55kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics. Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod […]
-
94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na
INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang nakabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2. Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic. Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi […]
-
POLICE WOMAN NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO
Kalaboso ang isang police woman matapos walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm makaraang makatalo ang kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang dinakip na si PSSg. Karen Borromeo, 39 ng Purok 6 Dulong […]